Pitumpu't siyam, Walumpo,
Naisip kung magpakalayo layo,Bakasyon na. Karamihan masaya. Pero ibahin mo ako. Pag bakasyon nasa kwarto lang ako nagmumukmuk.
Pero iba yata ngayong taon. Dahil may inalok si mama saakin.
"Anak gusto mo bang pumunta sa America? Inaaya ka kasi ng Ninang mo. Duon ka nalang raw magpatuloy sa pag aaral. " nakangiting sabi ni mama.
Ilang minuto akong hindi nakasagot dahil pinag iisipan ko kung hindi ko tatanggapin ang alok nila, mabubulok ko dito. Kapag tinanggap ko naman may pag asang makalimutan kita at muli akong sumaya.
Kaya naman napag isip kung lumayo muna para nga makalimutan kita at pagbalik ko, mas tanggap ko nang kaibigan lang talaga kita.
"Sige po" nakangiting sagot ko.