Walumpu't pito, Walumpu't walo,
Naisip kung gumawa ng liham para sa'yo.Habang nakatulala sa kama naisip kung gumawa ng liham. Duon ko na inilagay ang lahat lahat ng gusto kung sabihin sa'yo simula pa nung una.
Duon ko na rin isiniwalat ang natatago kung pagtingin sa'yo.
Habang isinusulat ko ito tumutulo ang aking luha. Sana pag nabasa mo ito maging magkaibigan parin tayo.
Vern, aalis muna ako huh, para makalimutan ko muna itong nararamdaman ko sa'yo. Oo may lihim akong pagtingin sa'yo. Alam mo bang hindi kita minahal bilang kaibigan lang. Minahal kita bilang isang lalaki minahal kita kung ano ka.
Vern, sana kahit may lihim akong pagtingin sa'yo pagbalik ko magkaibigan parin tayo huh. Pasensya ka na kung ngayon lang ako umamin wala kasi akong lakas ng loob at lagi akong pinipigilan kapag aamin na ako sa'yo. At ngayon ito na siguro ang tamang panahon. Vern Lee paalam muna sa ngayon.....
Phoebe Cassie