1-2❤

137 3 0
                                    

Isa, Dalawa,
Mahal na yata kita.

First day of school noon. Sobra sobra ang kaba ko. Yung puso ko parang lalabas na mula sa dib dib ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.

First time ko kasing pumasok sa isang pribadong paaralan. Noong Elementary kasi hanggang high school sa public school ako nag aral.

At ngayon college na ako inilipat ako ni mama sa isang private school. Wala akong magagawa dahil ito lang ang school na malapit saamin.

Kahit nangangatog ang tuhod ko pinilit ko paring maglakad papunta sa silid aralan ko. Duon nakita kita. Nakaupo malapit sa bintana.

Nakatanaw sa labas kung saan makikita ang isang napakagandang hardin. Maraming kababaihan ang nakatingin sa'yo at halos mangisay na sa kilig. Halos mapunit na din ang kanilang labi dahil sa sobrang lawak ng kanilang ngiti.

May ilan pang nagpapansin sa iyo pero ang buong atensyon mo ay nasa labas parin. Ni hindi mo man lang sila binigyan ng pansin.

Sobrang tahimik mo buong klase at ako naman. Nakatingin lang sayo buong klase.

Para kang isang kakaibang bagay na nakakuha ng tensyon ko. Ang puso ko lalong bumilis ang takbo.

Imbes na Lecture sa araw na ito ang laman ng isip ko. Ikaw itong takbo parin ng takbo sa isip ko, hindi ka ba napapagod?

Nag daan pa ang araw nakumprima ko itong nararamdaman ko. Kung bakit bumibilis itong tibok ng puso ko ko tuwing nakikita kita.

Akala ko nga may sakit na ako, wala pala. Ikaw pala ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko ng ganito kabilis. Kasi mahal n kita'•'

Ika Isang DaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon