Limamput tatlo, Limamput apat,
Sinamahan kita hanggang sa mailuha mo ang lahat.Kahit alam kung late na ako sa klase pinili ko oaring samahan ka kahit sobrang tutol ng utak ko. Tutal hindi naman ako pumasok sa umaga hindi nadin ako papasok ng hapon para masamahan ka.
Alam mo bang ito ang isa sa pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko? Nayakap kita at nakausap ng harapan.
Pinaupo kita sa damuhan at isinandal ko ang ulo mo sa balikat ko. Nakatulog ka dahil sa kiiyak mo.
Lalo kang gumwapo sa paningin ko. Malaya akong pagmasdan ang mukha mo dahil tulog ka naman.
Ang tanga n'ya at pinakawalan pa n'ya ang lalaking tulad mo. Ang suwerte siguro ng mapapangasawa mo. Ang suwerte ko! ^•^