Limampu't isa, Limampu't dalawa,
Biglang nagkaroon ng pag asa.Bakit masaya ako kahit nasasaktan ka na? Dahil ba wala na s'ya pwede na akong umiksena?
Mukhang ako pa yata ang naging kuntrabida sa storyang ito. Nasasaktan na nga ang mahal ko nakangiti parin ako.
Sa tuwing naiisip ko kasi na wala na s'ya ibig sabihin may pag asa na pwedeng mapasaya din kita katulad ng ginawa n'ya.
Pero syempre hindi lahat ng ginawa n'ya gagawin ko din sayo katulad ng ginawa n'yang pag iwan sayo.
Kung papayagan ako ng madla at ng nagsulat ng tula at storyang ito may pag asang magawa ko ang inaasam asam ko, ang maging tayo.