61-62❤

16 2 0
                                    

Animnaput isa, Animnaput dalawa,
Naging magkaibigan tyong dalawa,

Nakangiti akong naglalakad mag isa papunta sa silid aralan. Panibagong araw nanaman.

Alam mo bang ang saya ko ngayon. Kasi nakakausap na kita at nahahawakan. At higit pa sa lahat kaibigan na kita.

Sabi nila duon daw yun nagsisimula. Sana umabot tayo roon ano.

"Phoebe!" Nag angat naman ako ng tingin. At heto ka kumakaway saakin may kasama kang dalawa pang lalaki.

Nung makalapit ako ay tumabi ka saakin at kaharap natin yung dalawang lalaking kasama mo.

"Phoebe, sila pala ang mga kaibigan ko si Marc at si John." Pagpapakilala mo. Tumango naman ako at nginitian sila bilang pagbati.

"Marc, John ito naman si Phoebe" kaibigan ko. Pagpapakilala mo saakin
....bilang kaibigan.

Ika Isang DaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon