73-74❤

16 2 0
                                    

Animnaput tatlo, Animnaput apat,
Ano kayang sasabihin mo pag ako'y nagtapat.

Gabi na nung ihatid mo ako. Buti nalang at hindi ako senermunan ni mama. Sa halip kinantyawan pa ako.

Kesyo boyfriend daw kita. Kesyo kumekerengkeng na daw ako. Wish ko sana boyfriend kita kaso lang malabo.

Para bang yung bagong silang na sangol makakatayo at makaalakad na. Tapos uulan na ng nyebe dito sa Pinas. Yung uwak puputi na rin. Ganun kalabo yun.

Gabi na at hindi parin ako makatulog dahil iniisip ko kung anong magiging reaction mo pag nagtapat ako.

A. Pagtatawanan mo ako?

B. Iiyak ka at yayakapin ako?

C. Tatakbo ka tapos sisigaw ng hindi mo ako gusto?

D. Lumayo ka saakin at hindi na muling magpapakita pa?

NOOOOOOOO!!!!

Ika Isang DaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon