Limamput lima, limamput anim,
Nagising kang nakasandal parin saakin.Siguro apat na oras akong nakasandal sa lilim ng puno at ikaw apat na oras kang nakasandal sa balikat ko. Buti nalang walang studyanteng gumagala ngayon dito sa lumang park ng skwelahan.
Hinayaan lang kitang magpahinga sa balikat ko kahit ako'y ngawit na. Tiis na lang para naman sa taong mahal ko.
Napalingon ako sayo ng lalo ka pang sumiksik sa balikat ko. Gising ka na pala pero hindi ka parin umaalis mula sa pagkakasandal saakin lalo kalang sumisiksik.
Kahit may kiliti ako hinayaan ko nalang. Kahit ang bigat ng ulo mo tiniis ko para lang sayo. Na kahit sa ganoong bagay malaman mong mahal kita.