97-98❤

22 2 0
                                    

Siyamnapu't pito, Siyamnapu't walo,
Sinabi mo ang mga katagang gustong gusto kung marinig mula sa 'yo.

Patuloy paring nagsisigawan ang mga tao. At ikaw nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

Yung puso at isip ko hindi magkamayaw sa pagsigaw.

"Sagutin mo na! Diba ito yung inaantay mo?!" Sigaw ng isip ko.

"Ito na ang tamang panahon Phoebe!" Sigaw aman ng puso ko.

Tumingin akong muli sa'yo. Nagsisinula ka na ring umiyak. Iba't ibang emosyon ulit ang nakikita ko sa mga mata mo.

"Phoebe inuulit ko ang tanong ko will you be my girlfriend?" Garalgal na tanong mo. Tango lang ang naisagot ko dahil hindi ako makapagsalita.

Dali dali kang tumayo at niyakap ako. "Mahal na mahal kita Phoebe" lalo akong naiyak nang sabihin mo ang mga katagang gustong gusto kung marinig mula sa'yo.

Ika Isang DaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon