Dalawamput siyam, Tatlumpo,
Umuwing malungkot at wasak ang puso.Gusto kung umiyak pero hindi ko magawa. Dahil ayukong may nakakakita saaking umiyak.
At ayokong umiyak dahil ipinangako ko na hindi na ako iiyak dahil sa isang lalaki. Kung iiyak man ako dapat hindi lalaki ang dahilan.
Dumaan muna ako kay Manong Ben at bumili ng tinda n'yang ice cream. Gusto ko munang magliwaliw para mawala o makalimutan ko saglit ang dinaramdam ko.
"Oh ija mukhang malungkot ka?" Puna ni Manong Ben. Ngumiti lang ako ng maliit.
"Wala to manong, pabili nga po ng tinda n'yo. Gusto ko yung ube at keso" nakanguti kung sabi sabay abot ng bayad.
Nginitian naman ako nito atska ginulo ang buhok ko. Ngayong araw umuwi akong malungkot at wasak ang mumunti kung puso nang dahil nanaman sayo.