Chapter 11

163K 6.6K 1K
                                    

Chapter 11


Halos isang oras akong tutok sa alak matapos kong masaksihan ang eksenang nakita ko. Bigla ko na lamang nakalimutan ang dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na ito at mas binigyang pansin ko ang alak.

Ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko habang paulit ulit tumatakbo sa isipan ko ang paghalik ni Tristan sa babae. Alam kong wala akong karapatang makaramdam ng ganito ng walang kahit anong basehan, pero hindi ko madiktihan ang puso ko. Kumikirot ito ng kusa, sumisikip at nahihirapan.

Ibinagsak ko ang pangatlong bote ng alak. Nagsisimula nang umikot ang paningin ko, maging ang phone ko ay patuloy na rin sa pag vibrate.

Probably my husband? Tama ba talaga na paniwalaan kong asawa ko siya? Bakit parang ramdam kong ang lahat ng taong nakapaligid sa akin ay pinaniniwala ako sa kasinungalingan?

Sino ang taong maaari kong lapitan tungkol sa tunay kong pagkatao?

"Another bottle please," agad na sabi ko.

Habang naghihintay ako ng alak pansin ko na may dalawang babaeng umupo sa tabi ko. Ilang segundo lang akong nagulat at mas binigyang pansin ko na lamang ang alak na kabibigay lamang sa akin.

"If you're going to kidnap me again with—"

"We won't, nagsawa na yata sa'yo si Cap. Look he's with someone hotter." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng maputi at maiksi ang buhok.

"Enna!"

"What? Totoo naman ang sinasabi ko Hazelle, he needs to move on."

"You know that he can't." Nagkibit balikat ang babaeng may pangalang Enna.

"Kung ganon ang ginagawa nyong dalawa sa ganitong klaseng lugar?" tanong ko na parang may maganda kaming nakaraan ng isang matinong usapan.

"2 bottles please," sabi naman ng babaeng may pangalang Hazelle.

"Party? Hindi lang kami puro trabaho. How about you? You'll stole something again?" hindi ako sumagot sa halip ay tinungga ko nang muli ang alak.

"He'll never cover you up this time. Mahuli ka, hinding hindi ka nya tutulungan." Sabi ni Enna.

Humarap na ako sa kanya sa aking naniningkit na mga mata.

"Hindi ko kailangan ang opinyon mo." Sarkastiko siyang ngumiti sa akin bago siya lumagok ng alak.

"Woah, she's still the mean Satchel. I never liked her with or without her memories." Narinig kong tumawa sa kanya si Hazelle.

"Hindi ka na nasanay sa kanya, she's always like that."

Naagaw ang atensyon naming tatlo nang makarinig kami ng iritan mula sa mga babae, nagkakaroon ng sabuyan ng alak. Irit nang irit ang babae habang nakapulupot kay Tristan na gumagala na ang kamay sa katawan nito.

"Lasing na si Cap," sabi ni Enna. Nagsisimula nang humalik halik si Tristan sa leeg ng babae habang patuloy sa pagkakagulo sa sayawan ang dagat ng mga tao sa malakas na tugtugan, patay buhay ng ilaw at usok.

"Anong oras natin aagawin si Cap sa babae? Baka gahasain siya ng babaeng 'yan. Worst magpabuntis 'yan, pikot ang kapitan natin." Naiiling na sabi ni Enna.

Parang may kung anong pumiga sa dibdib ko nang marinig ko ang salitang pikot.

Tinalikuran ko na ang nakikita ko at muli akong humarap sa alak, iniisip ko kanina pa kung bakit ako nandito sa lugar na ito. Bakit hindi ko na matandaan? Fuck.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon