Chapter 27

157K 5.6K 534
                                    


Chapter 27


Ilang linggo na ang lumipas simula nang magising ako sa mahabang pagkakatulog. I am now recovering at masaya akong naalagaan ko na nang maayos ang anak ko.

"Theon, baby.." pinaulanan ko ito ng halik sa kanyang pisngi habang nakikipaglaro ako sa kanya.

How I love hearing his laughter. Tuwang-tuwa ako sa tuwing napapatitig ako sa napakagandang mata nito.

Saan kaya nakuha ito ng aking anak? Gray have green eyes, while I have black eyes. Minsan ay naitanong ko rin ito kay Gray, he told me that Theon inherited it from his parents.

I was asking for the pictures, gusto kong makita ang posibleng kamukha ng anak ko. Sinabi niya sa akin ay minsan ay isasama niya na lamang ako sa dating bahay niya kung saan nandito daw ang mga pictures ng magulang niya at pictures namin na nakalimutan ko na.

I felt so bad, pero wala akong magagawa. Wala akong maalala at para hindi na pahirapan ang mga kasamahan ko. I cooperated with them willingly.

Iniinom ko ang lahat ng gamot na ibinibigay sa akin ng doktor.

"He's so kind, kahit nang coma ka pa ay hindi niya kami pinahirapan mag-alaga sa kanya. He's not a crybaby." Kasama namin ngayon si Gisela.

Ilang araw rin ay sinabi na sa akin ni Gray ang lahat. He told me that he's my husband and Theon was our baby.

Inamin niya rin sa akin na hindi ordinaryo ang klase ng trabahong meron siya, as well as his friends and sister. Hindi man sila kasaling direkta sa mga sindikato, they are accepting payment to fight against different syndicates.

Pero para sa akin ay parang wala na rin itong pinagkaiba, kumikita sila dahil nagpapautos sila sa isang sindikato para labanan ang isa pang sindikato.

This job is quite risky than being an official syndicate. Dahil sa linyang ito walang kasiguraduhan kung sino ang kakampi, maaaring maging kalaban sa isang iglap ang kanilang pinaglalaban.

"Baby Theon.." nanggigil na ako sa kanya at muli ko siyang pinaulanan ng halik.

"Napakagwapo ng anak mo, Cleo. Manang-mana sa kanyang ama." Nakangiti sa amin si Gisela habang kanina pa kaming pinagmamasdan.

I was so confused when Gisela told me that she's the one who gave a name to our baby, kung gising naman pala si Gray na siyang ama. But Gray had a better explanation. Katulad ko ay sumailaim rin ito sa mga operasyon at therapy kaya si Gisela na kapatid niya ang nag-alaga sa aming anak habang kaming mag-asawa ay nagpapagaling.

Ngayon ay nagsisimula nang makapaglakad muli ng maayos si Gray na walang suporta, inakala ng lahat na hindi na gagaling ang binti nito pero magaling magdala si Gray at nalampasan niya ito sa patuloy na pag-theraphy.

"Why Theon, Gisela? Hindi mo isinunod sa pangalan ng kanyang ama." Tanong ko.

"I don't know, basta na lamang pumasok sa isip ko ang pangalang Theon. Hindi mo ba gusto?"

"Ofcourse not! Bagay sa baby ko ang pangalan niya."

"He deserves that name." Tipid na sagot nito.

Nang umiyak na si Theon ay nagpaalam na sa akin si Gisela, kailangan daw nitong maghanda dahil sa magiging operasyon niya ngayong gabi.

She is the famous seductress who was dubbed as the hummingbird. Isang kaakit-akit na babae na kumukuha ng iba't-ibang uri ng alahas. Minsan ay tinanong ko sa kanya kung bakit at para saan ang misyon niyang ito. She told me that those jewels that were captured by her were actually stolen.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon