Chapter 23

159K 6.4K 917
                                    

Dedicated to Ky

Chapter 23


Sinong mag-aakala na may itinatago pa lang plano itong si Tristan? Buong akala ko ay sa paglandi at pakikipagharutan lang sa akin naubos ang buong oras niya sa hotel.

When did he plot this and everything?

He's confidently raising his guns in front of our enemies with grin on his face. Ngayon ko masasabing nasa grupo naming ang baraha.

I know this isn't the right time to be amazed, but how come? Hindi ko natatandaang humiwalay ito sa akin nang nasa hotel kami.

"Gentlemen?"

Kasalukuyan nang nakataas ang mga kamay ng lahat dahil sa takot na sumabog ang kanilang mga katawan tulad ng naunang tauhan ni Mr. Menreal.

Tristan annoyed them by using his pouted lips to instruct everyone to put their damn guns down.

"Come on, make it quick." Mayabang na sabi nito.

Walang pinagpilian si Mr. Orias at ang kanyang mga tauhan, maging ang mga tauhan ni Mr. Menreal.

"The lasers, pareho-pareho tayong mamamatay dito." Pananakot ni Armando.

Isang beses lang itinaas ni Mr. Orias ang kanyang kamay kaya agad nawala ang mga lasers sa paligid.

So the snipers were coming from Mr. Orias' team.

Pero alam namin na pansamantala lamang namin hawak ang baraha. We need to steal the jewel as soon as possible.

"Very good, Mr. Orias! Now everyone kick your guns here." Lahat sila ay naging sunod-sunuran sa mga sinasabi ni Tristan.

"Tumalikod kayo," nangangatal ang mga itong sumunod.

Samantalang si Gray, Alexis at ang kasama niyang babae ay mga nakataas pa rin ang kamay habang mariing nakatitig sa aming grupo.

"Fuck you, Theo." Agad na mura ni Gray.

"Fuck yourself, Gray. Ibaba mo ang baril mo. Gago." Ikinasa ni Tristan ang kanyang baril.

Agad akong naalarma, kung hindi man sinabi sa akin ni Gray ang katotohanan hindi pa rin magandang dahilan ito para hayaan ko itong patayin ni Tristan.

Wala itong ginawang masama sa akin habang kasama niya ako.

"Theo, no!" sigaw ng babaeng katabi nito.

Kahit ako ay mabilis kong hinawakan ang braso ni Tristan.

"Please.." mahinang sabi ko.

"This fuck shattered us apart, Lina! Itong gagong ito ang ilang beses na pilit umagaw sa'yo! Siya ang naghiwalay sa atin nang ilang taon! He was my damn friend who chose to betray me!"

Pulang-pula na ang mukha ni Tristan, nangangatal na ang mga kamay nito at nakikita ko na ang ilang ugat sa kanyang sentido.

Nanatili lamang nakatitig sa kanya si Gray. Habang tahimik si Alexis, maging si Armando.

"I didn't regret everything I did. Taking care of her was one of the happi--" hindi natapos ni Gray ang sasabihin niya.

We heard three loud gunshots coming from Tristan.

"Shut the fuck up!"

Tatlong mga tauhan mula kay Mr. Menreal at Mr. Orias ang bumagsak.

"Patalikurin mo sila Armando, bago ko pasabugin ang mga bungo nila." Lumapit si Armando sa grupo ni Gray at sapilitan niya ang mga itong pinaharap sa pader.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon