Chapter 34

167K 6K 591
                                    

Chapter 34


Hindi ako nakausap ng ilang oras nang makita ko ang mukha ni Savannah sa video. Kung ganoon ay tama si Tristan, Gray is behind everything. Pinalabas lang nito na nadukot ang anak ko para lamang mapanatili niya akong nasa tabi niya.

How could he?

Papaano niya nasikmura ang makita akong halos gabi-gabing umiiyak para sa bata?

Tristan remained calm. Hindi ito nagwala o nagmura man lang, pero alam kong tinatatagan niya ang kanyang sarili para sa akin.

I remembered Gisela's words. If Gray became uncontrollable, I should be the one to kill him.

Sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa anak ko, hindi malayong ako mismo ang pumatay sa kanya.

Sila na sa ngayon ang nag-uusap tungkol sa susunod naming hakbang. They gave me space to breathe. Siguradong wala rin akong maiintindihan kahit subukan kong makinig sa kanila.

Ngayon ko gustong malaman kung nasaan si Dr. Vicente, siya lamang ang makakasagot ng lahat kung papaano ako nakarating kay Gray.

Kung saan-saan na ang lipad ng isip ko, hindi ko na nakontrol ang sarili ko at ibinuhos ko ang aking pag-iyak. I missed Theon so bad.

Nangangatal kong kinuha ang baril ni Tristan sa drawer at sinimulan ko na itong balahan. Gray's probably inside our old headquarters, alam ko kung saan pa rin ito.

Ibinato ko ang baril nang hindi ko maayos ang pagkakabala nito. I grabbed another gun, put a magazine and due to frustration I released numerous of gunshots.

Sigaw at iyak ang bumalot sa buong kwarto.

I felt so frustrated, ilang taon akong binilog? Ilang beses akong halos magpakamatay?

"LINA!"

Pabalagbag nabuksan ang pintuan ng kwarto. Humihingal si Tristan na halos manlaki ang mga mata dahil sa akin.

"Oh god.." malalaking ang hakbang nito hanggang sa maabot niya ako at yakapin nang mahigpit.

"Baby, what are you doing? You scared me to death.."

"Si Theon, our baby boy. I missed him so much.." he cupped my face and he looked straight to my eyes.

"I don't know how to say this, but you need to calm down Lina. Kahit ako, galit na galit na galit ako sa nangyayari. But I need to think and act properly, para sa'yo, para kay Theon. I need you to be with me, we need to fight this together." Hinalikan nito ang labi ko.

"Lina.." hindi ako makasagot nang maayos.

"Baby..will you fight with me?"

"O-Ofcourse.."

Hindi na ako iniwan mag-isa ni Tristan. Pumunta na kami sa meeting room at habang nagpapaliwanag si Daddy, sumasagot si Tristan, Ace at Armando. Hindi binibitawan ni Tristan ang kamay ko.

We're still sticking at the first plan, I'll continue as the hummingbird and the stealing of jewels will move on.

Ang magbabago nga lang, ang mga kakampi ko. Our next target is a talent scout. Nasa kanya ang sunod na alahas na kailangan naming kuhanin.

According to Armando's research, the day after tomorrow will the next session of his recruitment.

I suggested that I'll play the role of the talented item, kung babae ang puntirya nito. Nang binasa ni Armando ang impormasyon ay agad umangal si Tristan.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon