Chapter 28

161K 5.7K 318
                                    

Chapter 28


Kung tatanungin ako, ilang beses na akong nagising mula isang miserableng pagkakatulog? Kahit ako ay hindi ko na mabilang kung ilang beses. Pinilit kong bumangon sa kama, may swero at oxygen na nakakabit sa akin.

Sobrang sakit ng ulo ko.

Agad akong dinaluhan ni Gray na kausap sila Alexis, Bryce at Dhaywill.

"Babe.."

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Where were you when I needed you most?!" sigaw ko.

"Nasaan si Theon? Nasaan ang anak ko? Where is my baby?!" marahas kong tinanggal ang nakakabit sa aking swero at isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga palad.

"Nasaan ang anak ko? Nasaan ang anak ko? Ibalik nyo sa akin ang anak ko."

"Cleo.." pilit niya akong hinahawakan pero marahas ko itong sinasalag.

"Shut the fuck up! Mga wala kayong kwenta! Nasaan kayo?! Hindi nyo man lang natunugan na may nakapaligid na sa atin?! Hindi nyo man lang naisip na wala akong kalaban-laban? Yung anak ko! Yung anak ko ang naging kapalit ng kapalpakan nyo!" sigaw na ako nang sigaw.

"Cleo calm down.."

"Papaano ako kakalma Gray?! Dugo at laman ko ang ninakaw sa akin! Anak ko! Anak ko ang inagaw sa akin dahil sa illegal nyong trabaho! Yung anak ko!" paulit-ulit na sigaw ko.

"Bryce, please call the doctor."

Sinubukan akong muling hawakan ni Gray pero sinalubong ko lamang siya ng sunod-sunod na sampal dahil sa matindi kong galit.

"How could you act so calm? Hindi ba at anak mo rin si Theon?!" I tried to mock him. Ayokong isipin niya na alam ko na ang katotohanan.

"Sa tingin mo ay dapat ko rin gawin ang ginagawa mo Cleo, you can't burst out together dahil walang mangyayari sa atin. And for god's sake! Mahal ko si Theon, Cleo. I love him that way that I loved you. I just want you to calm down, dahil babawiin natin ang anak natin."

"How could you say that? Papaano? Hindi ko na alam ang gagawin ko Gray. Mababaliw na ako." Tuluyan ko na siyang hinayaang yumakap sa akin.

And I let myself breakdown. I cried and cried and cried.

"I missed him, I missed him so much. Ang anak ko Gray, his laughter, his smile, his small body on my arms. Ang baby ko..ang baby ko Gray. Ibalik mo sa akin ang anak ko. Help me..help me please.."

Dumating ang doktor at tinurukan ako nito ng pampatulog. Gray kissed my forehead before letting me sleep.

Sa ikalawang beses kung paggising ay kalmado na ako. Hindi na ako umiyak at nakakausap na ako ng maayos.

Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi ng doctor at tinanong ko rito ang mainam kong gawin para lumakas ako.

I ate a lot of nutritious foods and do a regular exercise.

"Eight months ang palugit nila." Panimula ko.

Lahat kami ay nakahilera sa hindi kahabaang lamesa. Hindi ko muna ipinaliwanag sa kanila ang buong nangyari simula nang magising ako at ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

"Palugit?"

"Ibabalik nila sa akin si Theon kung maibabalik ni Gisela sa kanila ang mga ninakaw nitong alahas. Hindi lang pala ang mga alahas na nanggaling sa kanila, the whole set."

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon