Introduction:

1.5K 31 27
                                    

*Hi there!! MagicTragic here bringing you a One-Shot Mystery/Horror Story*

.

[Mahabang One Shot Actually! ]

.

So BRACE yourself for a twisted ride!! Hope you enjoy!!!

Musical Heart by MagicTragic

Copyright ©2014

All rights reserved.

.

.

.

Sabi nila, ang mga estudyanteng malapit na daw grumaduate ay lapitin daw ng disgrasya at kapahamakan.

.

Noong una eh ayaw kong maniwala dahil para sa akin, isa lang iyong pamahiin ng mga matatanda hanggang isang araw ay nabago lahat ng iyon. Isang laro na dulot ng kyuryosidad ang nagpasok sa amin sa Laro ni Kamatayan. Isang laro na nagbukas ng malagim na libro ng madilim at nakakatakot na mga sekreto.  Sekreto ng aking pagkatao, sekreto na hindi ko inaasahan na magpapabago ng aking kinabukasan (kung meron pa ba akong natitira.)

.

.

Minsan ang katotohanan na nais mong matuklasan ay isa palang bangungot na dapat mong takbuhan. Isang sekreto na pinangarap mong di mo na lang sana natuklasan. Sa larong nagpabago ng ikot ng aking tahimik na buhay, isa lamang ang dapat mong tandaan. Mag-ingat ka! Dahil sa kaguluhang ito, wala nang pagkaka-iba ang tama at mali, wala na ring maituturing na kaibigan o kaaway dahil sa bingit nga naman ng kamatayan ay wala ka nang panahon para isipin ang kapakanan ng iba. Ang tangi mo lang maiisip ay kung paano mo mapapahaba ang iyong buhay.

.

Kaya ko pa ba ito? Hindi ko rin alam, dahil sa bawat sekretong  natutuklasan ko ay nagbabago ang aking paningin sa mundo. Mas lalong gumugulo at mas lalong lumalala. Naiinis ako sa sarili, ano ba itong napasok ko? Ang aking tahimik na mundo ay naging empyerno sa isang iglap. Ang ganda sanang umupo na lang sa tabi at makinig sa musika. Yung wala kang iniisip at pino-problema, yung andaming oras na natitira sa iyong kamay. Yung pinagmamasdan mo ang mga ulap sa kalangitan habang nakikinig ka ng musika.

.

Ngunit ngayon, isang musika lamang ang aking napapakinggan. Sadyang ang ganda pakinggan ng bawat nota sa musikang ito, ang matitinis at matataas na nota mula sa musika ni Kamatayan. Musika na binabalot ng lagim at mysteryo. Ang musika na nangga-galing sa isang Musical Box na hugis puso. Musical Box na nagbubukas lamang sa harap ng bagong bangkay upang higupin ang kaluluwa nito papunta sa Empyerno. 

.

Handa ka ba bang tuklasin ang mysteryo? Handa ka na bang pakinggan ang tugtugin ng MUSICAL HEART?

---------------------------------------------------------

Please:

[ Vote ] [ Comment ] [ Follow ] (>‿◠)✌

I'm hoping for any comments Please!!! (─‿‿─)

Kahit don't vote or follow but please comment your thought. Tnx

Musical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon