"Si Ate Andy!" sabi ko sabay ngiti sa kanila. Tila ba nabuhayan sila sa kanilang narinig. Nabaling ang mga tingin nila sa akin at kitang-kita ko ang tila ba may ilaw ng pag-asa na nagni-ningning sa kanilang mga mata. Ibinaling ko ang aking tingin sa aking phone at sinagot ang tawag ng aking Ate Andy. Sana nga may pag-asa pa para sa amin, sana nga...
"Hello Ate Andy," panimulang-bati ko.
"Hello Andrea! Nasaan ka?!!" tanong nito. Bakit ganoon ang tono niya? Tila ba nag-aalala siya ng sobra. May nangyari ba o.... b-baka alam niya!
"Ate nasa bahay ako nina Jane." sabi ko.
"Huwag kang aalis diyan, pupuntahan kita." sabi nito na tila ba nagmamadali at binaba niya ang phone bago pa man ako makapag-salita.
Hindi ko maikaila na naguguluhan ako at medyo kinakabahan, ang tila pag-asa na kanina'y natamo ko ay bahagyang naglalaho. Nakita nila Allyson, Jane at Carla ang reaksyon ko kaya naman nawala na rin ang mga ngiti nila.
Haha, nakakatawa no? Humiling ako ng konting pag-asa na natamo naman namin pero ilang segundo lang pala ang ita-tagal nito. Ito na ba talaga ang katapusan namin?
Pagkaraan ng dalawampung minuto ay may nag-doorbell. Alam kong si Ate iyan, pinuntahan ni Jane si ate upang pag-buksan ng pinto habang kami ay naiwan lang doon at naka-upo. Hinintay namin si ate na pumunta sa garden at habang nakikita ko siya papalapit ay nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kitang-kita naman ang takot sa kanyang mga mata na tila ba may halong awa habang tinitignan kami.
"A-ate..." ika ko sabay yakap sa kanya. Hindi ko namalayan na naglalabasan na pala ang aking mga luha. Na-iiyak talaga ako, hindi ko na kayang pigilan ang aking nararamdaman kaya hinayaan ko na lang itong bumuhos na nang tuluyan. Para akong bata, parang bata na natalo sa isang laro. Sa totoo lang naman eh tila natalo naman talaga ako...hindi, natalo kami...natalo kami sa laro ni Kamatayan.
"Andrea tama na..." sabi nito while she's patting my back katulad din ng ginagawa niya noong bata pa kami tuwing umiiyak ako.
Pagkatapos ng ilang minuto at tumigil na ako sa pag-iyak ay nag-usap na kami. Sinabi namin kay Ate ang nangyari at tila hindi ito nagulat. Kahit hindi siya nagulat ay ramdam ko na takot siya...natatakot siya para sa amin. Habang ikinu-kwento namin sa kanya, ang tangi lang nasasabi ay 'Sabi na ngaba...' at minsan ay ta-tango na lang ito. May alam talaga si ate sa nangyayari sa amin, sana makatulong siya.
"Ate, hindi na po namin alam ang gagawin.." sabi ko sa kanya.
"Hindi po namin alam kung saan magsisimula." dagdag pa ni Allison.
"Sinasabi na nga ba't mangyayari ito..." saad ni Ate Andy.
" Please po tulungan niyo kami, di ba't kayo po ang may-ari sa journal na iyon? Meron po ba kayong alam na paraan?" tanong naman ni Carla.
"Hindi ako ang may-ari ng journal..." sabi ni Ate. Naglakihan ang mga mata nila tatlo sa pagtataka. Nagulat sila...hindi, nagulat kami sa sinabi ni Ate.
"Pero di ba sulat niyo po iyon? Nandoon rin ang pangalan niyo." sabi ni Jane.
Huminga ng malalim si Ate Andy saka nagsabing "Oo, ako ang nagsulat ng journal pero hindi iyon sa akin. Katawan ko lang ang nagamit ngunit hindi sakin nanggaling ang mga impormasyon na naisulat doon."
"Ano po?!! Paanong katawan niyo lang ang nagamit?" tanong ko sa kanya. Sa dami ng hindi kapani-paniwalang nangyari sa nagdaang dalawang araw, hindi na ako nagtataka na possible ito. Nakakatawang isipin na pamahiin lang at sadyang mga kwento ang tingin ko sa mga ito noon.
BINABASA MO ANG
Musical Heart
HorrorReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!