************** 5th Day: Found You! Did You Love Me Gift, Dear? **************
Mag-isa ako. Ang dilim ng aking paligid at wala akong masilayan ni isang hibla ng liwanag. Gumagapang na lamang ako, kinakapa ang sahig patungo sa ewan ko kung saan. Natatakot ako, paano kung may bubog sa sahig? Paano kung may bangin na pala ay bigla na akong mahulog. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ni isang ideya kung nasaan ako eh wala. Nagpatuloy pa rin ako, nagbabakasakali na may makita akong liwanag. Ganito pala ang pakiramdam ng isang bulag. Walang makita ni isang bagay.
"Andrea." rinig ko. Sinundan ko ang tinig na iyon at mula sa madilim na paligid ko ay nadatnan ko ang sarili kong nakatayo sa living room ng isang bahay. May isang batang babae na mga anim na taong gulang na kasama ang isang pares ng mag-asawang pilit pinapatahan ang isang bata. Parang pamilyar ang bahay na ito, pati na rin ang mga tao dito. Kilala ko sila! Sila ang aking mga magulang! At si Ate Andy noong bata pa siya!
"Tahan na Andrea..." sabi ng aking Ina. Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala! Sila nga!
"Baby Andrea.. tahan na! Babalik rin si mommy mo! Babalik rin si Ate Ericka" sabi ni Ate Andy na ikinabigla ko. Mali ba ako sa rinig? Nanginig ang aking buong katawan, hindi ako pamilyar sa pakiramdam na ito. Nagsilabasan ang aking mga luha at nag-animong mga ilog na umaagos sa aking mga pisngi. This isn't real, right? Kasinungalingan lang lahat ng ito diba? Gosh! This can't be happening.
"Honey, tawagan mo na kaya si Ericka. Nag-aalala na ako eh." sabi ni Mama kay Daddy. Kinuha naman ni Daddy ang phone niya mula sa bulsa niya at sinubukang tawagan si Ericka.
"Hindi siya sumasagot Honey, saan ba siya nagpaalam na pupunta?" sabi ni Daddy.
"Sabi niya lalabas lang siya at may aasekasuhin ngunit anong oras na eh hindi pa rin siya bumabalik, subukan mong tawagan si Jun. Baka magkasama sila." sagot ni Mommy.
"Hindi rin sumasagot eh." ika ni Daddy.
"Mas mabuti pa atang patulugin na natin ni Andrea. Ikaw rin Andy, punta ka na sa kuwarto mo at matulog ka na. May pasok ka pa bukas." utos ni Mommy kay Ate Andy.
"Pssh... opo." sabi ni Ate Andy sak padabog na umakyat sa kuwarto nito. Ako naman ay tinitignan sina Mommy at Daddy habang pinapatulog ako. Pagkatapos nila akong patulugin ay tumawag ulit sila ngunit hindi sinasagot ang mga tawag nila. Sa pag-aalala ay ipinahanap nila sina Ericka at Jun sa mga pulis.
"Honey, paano na sin Andrea! Paano na siya kung hindi bumalik sina Ericka at Jun?" tanong ni Mommy.
"Palalakihin natin siya bilang anak natin." seryosong sabi ni Daddy.
Naiyak ako lalo, hindi ako tunay na anak nina Mommy at Daddy. Apo nila ako! My true parents ay sina Ericka at Jun, kaya pala kamukha ko ang multo dahil multo iyon ng aking ina. Multo iyon ng aking ina na pinaslang ng aking ama para sa pansariling kapakanan. Naiiyak ako ng sobra-sobra, ang sakit ng aking damdamin. Ang kirot! The h*ck! This is unbelievable, it's super rediculous! Tumakbo ako paalis sa lugar na iyon mula sa kadiliman na pinanggalingan ko kanina. Nang may makita akong liwanag at pinuntahan ko ito.
Nasa bahay nanaman ako at umaga na, sina Mommy at Daddy ay nagkakape habag nanonood ng TV. Biglang may flashreport na gumulat sa kanila, nagbago ang kanilang ekspresyon at nahulog pa ni Mommy ang baso niya at nabasag sa sahig. Bigla itong napahagulhol kay Daddy. Si Daddy naman ay biglang napa-iyak na rin.
"Flash Report: Isang katawan ng babae ang natagpuan sa rooftop ng Edema North High!" iyon lang ang nabasa ko sa headline ng news. Di ko marinig ang sabi ng reporter dahil mas malakas ang hagulhol ni Mommy. Ganito ba ang nangyari labinlimang taon sa nakaraan? Sh*t, parang teleserye ang buhay ko. Napasok ako sa Laro ni Kamatayan, namatayan ako ng kaibigan, nalaman kong ina ko ang multo at tatay ko ang killer, ang aking nakalakihang magulang ay lolo at lola ko pala. Nagpapatawa ba ang tadhana?
BINABASA MO ANG
Musical Heart
HorrorReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!