[Chapter 4.5] Day 4: Malikmata

206 9 5
                                    

************** Day 4: Malikmata **************

Nasaan ako? Bakit ang dilim?

Gabi na ata at hindi ko alam kong nasaan ako ngayon kaya't naglakad-lakad ako hanggang mapadpad ako sa school. Pero parang may mali sa school ngayon, wala yung ibang gusali saka maraming puno sa school ground, wala ring mga tao at ang tahimik.

Naglakad ako papasok nang may mahagip ang aking mga mata, nakita kong may anino sa rooftop. Hindi ko makita o mamukhaan kung sino man ito. Hindi sapat ang ilaw ng bilog na buwan kaya naman nagpag-isipan kong puntahan na lang ito. Pagkarating ko sa rooftop ay nakita ko ang isang lalaki na parang bang na hinihintay dahil patingin-tingin ito sa cellphone niyang napaglumaan na ng panahon.

Isa siyang lalaki na may maliit na peklat sa taas ng kanyang kanang kilay. Parang nakita ko na siya dati eh....kaso hindi ko matandaan kung saan. Maya-maya ay nagtago ito sa likod ng bukas na pinto at pagkalipas ng limang minuto ay may dumating na isa pang lalaki.

"Nandito na ako! Ilabas niyo na si Liana!" sigaw nito habang inililibot nito ang paningin sa rooftop.

"Sinong hinahanap niyo?" tanong ko ngunit tila hindi ako naririnig ng lalaki kaya nilapitan ko pa ito. Kakalabitin  ko sana ang likod ito nang tumagos ang aking mga kamay.

Patay na ba ako?

"Nasaan si Liana? Liana? Liana nandiyan ka ba?" sigaw ulit nito sa aking harapan.

Lalapitan ko na sana ito nang biglang lumabas ang lalaki sa likod ng pintuan at itinaas ang hawak-hawak nito. Isang kutsilyo! Napatakbo ako sa lalaking kararating upang itulak ito palayo para hindi mahagip ng patalim ngunit tumagos ako sa katawan nito.

Napadapa ako sa sahig at nakita ko ang pagka-pugot sa ulo ng lalaki. Nanlalaki ang aking mga mata sa sindak habang nakatingin ako sa lalaking may hawak na kutsilyo. Hawak-hawak nito ang kutsilyo na may tumutulo pang dugo, inilapit nito ang kutsilyo sa kanyang bibig saka dinalaan ang dugo mula dito.

Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko, manigas ako sa takot lalo na noong gumulong papunta sa aking paanan ang pugot na ulo ng lalaki. Gusto ko sumigaw ngunit tila ba may nakabarado sa aking lalamunan.

"One down, three to go! Wahaha!" sigaw nito habang may ngisi ng demonyong nakapinta sa mukha nito. 

Bakit kailangan ko pang makakita ng ganitong pangyayari? Hindi ako makagalaw at pinanood ko na lang ang pag-tago ng lalaki sa bangkay  sa madilim na gilid ng rooftop.

Tumingin ang lalaki sa cellphone nito saka may tinawagan.

"Liana, pumunta ka dito sa rooftop kung gusto mo pang makita si Kevin" sabi nito.

"Anong gagawin mo kay Kevin?!!" rinig kong sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Pumunta ka na dito bilis kung gusto mo pang makita ang kasintahan mo!!!" sagot ng lalaki. Nagtaka ako, diba't pinatay na niya ang lalaki so ano namang silbi kung papupuntahin pa niya ang kasintahan nito dito?

"Di ako naniniwala sa iyo!" rinig kong sagot ng babae. May inilabas ang lalaki mula sa kanyang bulsa. Isang recorder na itim at inilapit niya ito sa cellphone niya.

"Gusto mo bang marinig ang boses niya para maniwala ka?" tanong ng lalaki saka ipinatunog ang recorder. 'Nasaan si Liana? Liana? Liana nandiyan ka ba?'

"G*go ka! Traydor! Sinong kasabwat mo? Si Ericka? Mamatay ka na Jun! Isusunod kita Ericka! Sabihin mo yan sa kanya!" rinig ko mula sa kabilang linya.

Musical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon