[Chapter 6.5] Day 6: The Game Starts Now

198 7 5
                                    

**************6th Day: The Game Starts Now [Part 2]**************

Nagising ako dahil isang pagputok. Kung di ako nagkakamali, putok iyon ng baril. Pagmulat palang ng mata ko, nakita ko sa labas ng bintana na madilim na. Nang akmang tatayo na ako, doon ko lang napagtanto ang aking kalagayan. Nakatali ako sa isang upuan. Mahigpit ang pagkakatali nito sa aking mga kamay, paa at beywang. Nakakapagtaka? Baki-

Oh sh*t! Bumalik sa akin ang huli kong alaala na sagot kung bakit ako nandito. Trinaydor ako ni Carla. Tumulo ang aking mga luha, naninikip ang aking dibdib sa sakit at galit. Mababaliw na ata ako. Di ko na kaya! Ngunit, tama! Di ako papayag na ganito nalang ang kalalabasan! Di ako papayag!

Bumalikwas ako kaya napatumba ang upuan. Medyo lumuwang ang tali sa ganitong posisyon kaya't ginamit ko ang pagkakataon na ito upang patayuin ulit ang upuan saka isinugod sa pader. Inulit-ulit ko iyon hanggang tuluyang bumigay at masira ang upuang nakatali sa akin.

Bago ako lumabas ng silid, kinuha ko ang gunting na nakalagay sa isang mesa at ihinanda ang aking sarili sa aking susuungin.

Sa pagkakarinig ko kanina ay malapit lang mula sa kinaroroonan ko ang pinanggalingan ng putok. Masusi kong tiningnan ang corridor at tahimik na sinilip isa-isa ang bawat silid. Habang naglalakad ako, unti-unting bumibilis ang pintig ng aking puso. Bawat hakbang ay pilit kong ikinukubli sa mahiwagang katahimikang bumabalot sa buong paligid. Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong pulang likido na umaagos mula sa isang silid. Unti-unti akong lumapit dito at nagulat ako sa natagpuan ko sa silid na iyon.

A-ang ama ni Jane! Nakita ko ang kanyang ulo na nakapatong sa mesa at...at ang mga putol-putol na bahagi ng katawan nito na nakasabit mula sa kisame. Dito nagmumula ang sariwang dugo na pumapatak na tila ulan. Bakat  na bakat ang talsik ng mga dugo sa apat na sulok ng silid. Unti-unti akong lumapit dito, napansin ko na may cellphone na nasa gilid ng silid. Kinuha ko ito at nagulat ako sa aking nakita.

A-ang multo... ang multo na aking ina kasama siya. D-di maari! Siya ang aking ama?!! Ngunit...papaano iyon nangyari! Wala akong maintindihan! Naguguluhan ako! K-kung siya ang aking ama, at kung siya ang lobo eh bakit siya patay? Sino ang pumatay sa kanya? Sino?

"A-andrea!" narinig kong sigaw mula sa likuran ko. Nakita ko si Ate Andy na iika-ika at puno ng galos ang kanyang katawan.

Lalapit na sana siya nang mapahakbang ako palayo. Ayaw ko nang magtiwala! Natatakot ako, kahit na si Ate Andy iyan eh di ko magawang pagkatiwalaan. Sa kaguluhang nagaganap, mahirap magtiwala.

"Andrea...tumakas ka na habang may oras ka pa." wika nito na punong-puno ng pangamba.

Nanghihina na ang kanyang katawan. Maaring nauubusan na siya ng dugo dahil kitang-kita na namumutla na siya. Kahit...galit ako sa mundo ngayon, di ko parin maikaila na nag-aalala ako kay ate. Lalapitan ko sana siya ngunit nakaka-dalawang hakbang lang ako nang matunghayan ko ang pagsabog ng ulo nito sa harapan ko.

Di ko magawang gumalaw, ni sumigaw at di ko kayang gawin. Nagtalsikan sa harap ko ang iba't-ibang bahagi at laman ng ulo ng aking kapatid. Nanlalaki ang aking mga mata sa aking natunghayan. May naramdaman akong sa aking ulo kasabay ng pag-agos ng pulang-pulang likido pababa ng aking mukha. Kinapa ko at ibaba ko ito at nanigas ako sa aking nakita. Isang kulay puti na pabilog na may kasama pang utak, buhok at laman. Mata ni ate Andy! Nabitawan ko ito dahil sa halos mapiga na ang aking bituka sa pagkasuka. 

May narinig akong mahinang bungisngis malapit sa may pintuan. Habang hawak-hawak ng aking kanang kamay ang tila ba ginugusot kong sikmura ay nilingon ko kung anong nandodoon.

Pagkaangat ko ng aking ulo na nakita ko si Carla na may hawak na baril. Duguan ang katawan nito at nakapinta sa mukha niya ang isang nakakapanindig balahibong ngiti. Tila ba nalayasan na siyang tuluyan ng kanyang katinuan habang pinagmamasdan ang bumagsak na katawan ni ate sa sahig kasama na ang nagkalat na laman ng sumabog nitong ulo. Idagdag mo pa ang bangkay ng aking ama at mga parte ng katawan nitong nakasabit sa kisame.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Musical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon