************** Third Day: Who is the Wolf? **************
Nasaan ako? Hindi ko alam! Ang dilim ng paligid at nag-iisa lamang ako. Tila ba nasa gitna ako ng kawalan at pinapalibutan ng walang katapusang kadiliman.Wala akong makita! Pati sarili ko ang hindi ko makita, kahit nakatapat na ang kamay ko sa aking mukha eh hindi ko pansin dahil tila ba nabulag na ako. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, ewan ko kung saan ako dadalhin ng aking mga paa pero patuloy pa rin ako. Nagbabakasakaling may maaninag na liwanag man lang.
"H-hello! May tao ba dito?" tanong ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Boses ko lang ang naririnig ko na patuloy sa uma-alingawngaw sa walang katapusang kadiliman na ito. Nagpatuloy pa rin ako at sa wakas ay may nakita akong konting liwanag.
Sinundan ko naman ito hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang silid-aralan. Madilim sa silid na iyon at ang tanging liwanag lamang ay nanggagaling sa isang lampara. Lumapit ako sa lampara para makita ko kung anong nangyayari doon. May nakita akong limang anino ng na nakapalibot dito.
Lumapit pa ako sa galak dahil sa wakas ay may pagtatanungan na rin ako. Lumapit pa ako at akmang hahawakan ko na sana ang isa sa mga anino nang biglang lumusot lang ang aking kamay dito. Nagulat ako, sinubukan ko ulit ngunit katulad kanina ay hindi ko mahawakan ang mga ito.Sinubukan kong hawakan ang iba pang ngunit wala pa rin, kahit mga gamit ay hindi ko mahawakan! Wala talaga akong mahawakan, parang lahat ng bagay na nasapaligid ko ay gawa sa hangin. Patay na ba ako? H-hindi! Hindi ito maari.
"Tao po.." sabi ko na nagba-bakasakaling marinig nila ako. Ngunit wala, wala pa ring ubra ang ginagawa ko. Hinawakan ko ang buhok ko dahil sa desperasyon at mangiyak-ngiyak na napa-upo habang tinitignan ang apoy na naglalaro sa lampara.Patay na ba talaga ako? Hindi ko ito matanggap! Bakit wala akong maalala? Tila nababaliw na talaga ako!
"Ano simulan na ba natin?" ika ng isang tinig na umagaw sa aking attensyon. Tumayo ang isang lalaki at sa kanyang pagtayo ay may nahagip ako sa likuran nito. Nahagip ng aking mata ang isang painting sa dingding. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita!Ito ang painting sa klassroom namin! Tinignan ko ang buong silid at hindi nga ako nagkakamali, kahit na tila napalitan ang ayos ng mga upuan at wala ang mga lockers eh ito pa rin ang klassroom namin.
Luminga-linga ako at sa hindi inaasahan eh may nakita ulit ako na nakakagulat, baka namalik-mata lang ata ako. Baka nga pinaglaaruan ako ng dilim dahil ang nakasulat sa kalendaryo na nakadikit sa dingding eh
///March 23 1998///
Then nagsimula na rin sila sa laro, katulad din ng nangyari sa amin eh pagkatapos ng ilang minuto ay may kakaibang presensya na nadama sa silid. Ang tanging pinagka-iba lamang ay walang babaeng multo ang nagpakita kundi tawa ng isang lalaki, isang nakakapangilabot na tinig na tila ba mula sa pinaka-ilalim na bahagi ng empyerno.Mas lalong nakakatakot at mas lalong nakakatindig-balahibo! Natakot ang limang naglalaro, nag-iyakan ang mga babae habang mga lalaki naman eh sinusubukan na bigyan ng lakas ng loob ang mga kasamahan kahit na ang sarili nila eh sobra na ring natatakot.
"Wahaha! Ang laro ay magsisimula na! Para matupad ang inyong kahilingan, dapat kayong manalo sa larong ito." sabi ng tinig habang tila ba nagbabago ang kulay sa loob ng silid, nagiging ka-kulay ang matingkad na kulay ng dugo!Ang mga ilaw ay patay-sindi habang ang hangin na di mo mawari kung saan nanggagaling ay umiikot at tinatangay ang kung ano mang maaring matangay sa loob ng silid. Tila ba bumabagyo sa lakas ng hangin, bagyo na mula sa empyerno at naghahangad lamang ng pagkawasak at kamatayan.
"Tama! Ayaw ko na!!!" sigaw ng isa sa mga babae at nagpumiglas na lumabas sa bilog.Pagkalabas niya eh bigla siyang tinangay at nilipad ng hangin. Inikot-ikot siya hanggang naibato ito pabalik sa loob ng bilog. Sinalo naman siya ng mga kasamahan niya at nanlaki ang mga mata nila sa takot.
"Liana! Liana!!!" mangiyak-ngiyak ang isang babae habang hinahaplos ang mukha ng kaibigan. Nasunog ang halos kalahati ng mukha ng babae, mula sa kaliwang mata pataas at makikita ang sakit sa mukha nito.
"Subukan niyong tumakbo at yan ang mapapala niyo! Wahaha! Wahaha!!!" tawa nanaman ng boses na bumalot sa buond silid.
"T-tama na!!!" sigaw ng isang babae. Nagulat ako ng makita ko siya! Kamukha ni Ate! No way!!! The eyes, the nose and the voice, it's way too familiar! Kamukha niya si ate but in a sort of way ay mas kamukha ko siya! Parang tumitingin ako sa salamin!
Sino siya? 1998? My sister would be 8 years old during that time so sino siya kung hindi siya si ate? She can't be my mom 'cause she's way too young. Naguguluhan ako! Sino ba talaga siya?
"Ericka, tahan na." sabi ng isang lalaki na may maliit na peklat sa taas ng isang kilay. Niyakap nito ng mahigpit ang babaeng kahawig ko.
BINABASA MO ANG
Musical Heart
HororReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!