[Chapter 1] Day 1: Pandora's Box

478 17 11
                                    

************** First Day:  Pandora's Box ************** 

======______ 14 Years After ______======

**Andrea's P.O.V**

Haaaixt! I feel damn bored. Nakakabagot talaga..walang magawa! Ano ba iyan! Katatapos lang ng 4th grading examinations namin at puro praktis nalang ang ginagawa namin. What do you expect? Ganito naman lagi ang eksena pag graduating student ka na diba? Pagkatapos ipasa ang requirements ay puro practices na lang for the Graduation Ceremony.

I'm gon'na graduate soon, well, I think 7 days nalang before that day. We surely have so much free time. Naka-upo na lang ako dito nakatanaw sa may bintana at pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan. Ang ganda siguro ng langit? Mapayapa at tahimik. Bumalik ulit sa akin ang mga karanasan ko sa school na ito sa apat na taon kong ginugol sa pag-aaral, pakikipag-kaibigan at pakikisalamuha. Parang kahapon lang eh 1st-year student ako dito at wala pang kakila-kilala. 

"Hoy Andrea! Nakatunganga ka nanaman! Halika ka nga dito at sama ka sa amin! Promise exited ito!!!" sigaw ni Jane na nagpabalik sa akin sa realidad. Tinignan ko silang tatlo, haaay paano ko ba naging kaibigan ang mga ito? 

"Oo nga! Wag kang masyadong emo jan! Ga-graduate na nga tayo eh nage-emote ka pa!!" dagdag ni Alison. By the way, katatapos lang ng graduation practice kanina kaya't nagsi-uwian na ang aming mga ka-klase. Apat lang kaming natitira ngayon namely ako, si Allyson, Carla at Jane. Nandoon sila sa gilig ng aming silid-aralan na tila nag-aayos ng ewan at may inilatag pa na board sa sahig. 

"Pshh..., Oo na. Ano ba kasi yang nilalaro niyo?" tanong ko habang naglalakad palapit at nakipag-indian seat sa tabi nila.

"Spirit of the Coin! Bilis, 'wag ka nang magtanong at makapagsimula na tayo!" sagot nitong si Carla.

Huh? Anong laro yun??! I've never heard about it before. Sa pagtataka ay nakisali na ako sa laro nila. Nagsimula kaming nag-indian seat pa-ikot sa isang board. Simple lang naman ang board na iyon kung saan may alphabets then numbers at 'Yes' and 'No' . Napansin ko din na may mga symbols along the edge of the board. Para saan ang mga ito? Saan yung board pieces? Akala ko maglalaro kami? Ano bang laro ito ang weird masyado.

"Okay let's start, lahat ilagay ang tig-iisang daliri sa coin." sabi ni Carla as she pointed the transparent coin.

Sinunod namin siya. Just to kill some time I guess because from the way I'm feeling, one more minute staring at nothingness will definitely kill me. Allyson firstly started an enchantment, dasal ata and she start surrounding us with a big circle of salt. Honestly, medyo kinikilabutan ako sa pinaggagawa nila.

Like the heck? Bakit may asin? Kalilinis lang namin tapos ngayon eh magkakalat sila ng asin? Oh well, baka kailangan iyon sa larong ito? Excited akong malaman kung ano ang mangyayari so ipinag-kibit-balikat ko na lang ang ka-weirduhan ng larong ito. Malay mo sa huli eh maganda pala, ika nga nila 'Do not judge a book by it's cover.'

"Guys, ilabas niyo na yung pinadala ko kahapon." sabi ni Carla.

Naglabas sila ng kung ano-anong gamit. Naglabas sila ng Puting Candila, Isang Red Journal or Book I'm not sure, then may Bible, Tubig (Holy water I think), at Rosary. Para saan ba yung mga iyon? Diba, we're just gon'na play a game? Nai-intriga na tuloy ako sa lalaruin namin. Saan ba gagamitin ang mga iyan? Mga candila, tapos Bible? Ano iyan? Parang scrabble lang ba ito kung saan gagamitin ang Bible for reference? Weird.

Musical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon