"ANONG NANGYARI KAY JANE?!!" sigaw ko na umagaw sa attensyon nina Ate Andy at Manang Ising.
"Andrea ano ba nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Ate Andy.
"Eneng... napano si Jane?" tanong naman ni Manang Ising. Parehong bumakas ang pag-aalala sa kani-kanilang mga mukha.
"S-si....Jane......p-patay na siya..." sabi ni Carla at tila ba bumagsak ang aking mundo sa aking narinig.
Muntik na ring mahulog ang aking cellphone dahil sa pagkagulat. Bigla-biglang nagsilabasan ang aking mga luha at nagsimulang manginig ang aking tuhod at napalupasay ako sa sahig. Hindi ako makapaniwala....hindi ako makapaniwala na wala na si Jane.
"Andrea...ano bang nangyari? Ano sabi ni Carla?" tanong ni Ate Andy pagkatapos niya akong yakapin. Niyakap ko rin siya at umiyak sa kanyang dibdib.
"A-ate....si....s-si Jane.....wala na..." sabi ko kay Ate. Niyakap niya ako ng mas mahigpit na medyo nagpagaan sa aking kalooban.
"Manag Ising....maari niyo po bang iwanan muna kami?" tanong ni Ate at narinig ko ang yabag ni Manang Ising paalis ng kusina.
"A-ate...ano na gagawin namin?...." tanong ko habang nakayakap ako ng mahigpit kay Ate. Then she started patting my hair pati na rin ang aking likod.
"Tahan na....tahan na.." sambit ni Ate.
Pagkatapos ng isa at kalahating oras ay pumunta kami sa purenarya at makipagkita kina Allyson at Carla. Hindi na kami pumasok sa paaralan dahil alam din naman naming wala ring masyadong papasok dahil kumalat na ang balita tungkol sa nangyari kay Jane. Nang magkita-kita kami ay pare-pareho kaming namumugto ang mga mata. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit, sa oras na ito eh wala nang magdadamayan kundi kami-kami lang rin.
"A-ano ba ang nangyari kay Jane?" unang tanong ni Allyson.
"Nabalitaan ko lang sa lokal news kaninang umaga na may nabanggang sasakyan at narinig ko ang pangalan nina Jane at ng tatay niya sa listahan ng biktima." sabi ni Carla.
"So nasa news?" tanong ko.
"Oo...halos hindi na nga makilala ang dalawa dahil bukod sa bumangga eh sumabog pa ang sasakyan nila. Ang tangi lang na pagkaka-kilanlan eh yung sasakyan at gamit nila dahil...d-dahil sunog na sunog ang katawan nila." sabi ni Carla na naiiyak nanaman.
Pagkatapos noon ay pumasok kami sa punerarya at nagbantay doon ng dalawang oras saka lumabas. Nang palabas na kami ay may nahagip ang aking mga mata, parang si Jane iyon ah! Pinikit ko ang aking mga mata saka tumingin ulit kung saan ko nakita si Jane ngunit wala na siya. Namamalik-mata ba ako? Iyon na ba ang multo ni Jane? Wala na talaga siya! It's just the three of us and Ate Andy. Don't worry Jane, I promise you to solve this case and bring justice to your death. I'll do my best to live on 'till this one h*ck of a mystery is solved. I will definitely find the wolf and slay it.
Nagpatuloy lang kaming naglakad papunta sa may park at patawid na kami ng kalsada ng biglaang may mabilis na sasakyang humarurot. Tila ba bumagal ang takbo ng oras at nanlalaki ang aking mga mata habang tinitignan ang gilid ng sasakyang malapit nang tumapos sa aking buhay. Sobrang bagal ng oras sa panahong iyon! Nakita ko pa ang repleksyon ng aking gulat na gulat na mukha sa itim na salamin ng sasakyan. Ilang pulgada lang ang layo ko mula dito, ilang pulgada lamang ang ikinalayo ko sa aking kamatayan.
Nakatulala lang ako sa hangin habang dinadamdam ang malakas na kabog na nanggagaling sa aking puso. Paano kaya kung hindi ako nahila ng mga kaibigan ko? Paano kaya kung nakahakbang na ako ng dalawa o kahit isang hakbang lang? Paano kaya kung namatay ako?!! Yung pagkamatay nina Jane at ng tatay niya, aksidente ba talaga iyon? Yung nangyari sa akin na halos ikamatay ko, aksidente rin ba iyon? Ang pagkamatay ba nina Jane ay yung tinutukoy ng text na iyon? Andami ko na ngang tanong, mas nadagdagan pa ito at mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kaiisip sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Musical Heart
HorrorReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!