Prolouge:
***Ericka's P.O.V***
Gabi na at nasa gate ako ng dati naming paaralan. Ramdam ko ang malamig na hangin na humahalik sa aking katawan kasabay ng alingaw-ngaw ng katahimikan na bumabalot sa buong paligid. Kahit na takot na takot ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking paghakbang patungo sa 4th Floor (Roof Top) dahil kung hindi..... dahil kung hindi...... ay mamamatay siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa madilim na daan papunta sa 4th floor, nagtataasan ang aking mga balahibo at nanginginig ako sa pinaghalong kaba at takot ngunit ininda ko pa rin ito. Ilang buwan na rin pagkatapos ng graduation namin dito, na-aalala ko pa ang masayang pagdiriwang na naganap sa parehong lugar kung saan ako naglalakad ngayon. Parang ang mala-paraisong mukha ng paaralang ito ay tila ba napapalitan ng mukha ng empyerno sa pagkagat ng dilim. Binabalot ito ngayon ng dilim at nakakabinging katahimikan, sa bawat hakbang na tinatahak ko ay nararamdaman kong para bang may mali sa paligid.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ng bigla na lang nag-vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa. Tinignan ko ito kung sino ba ang tumatawag. Nagtaka ako kung sino itong tumatawag sa akin, pagtingin ko kasi sa screen eh isang Unknown number ang nagpakita. Ewan ko ba... Hindi ako masyadong mapakali. Di ko alam kung sasagutin ko ba? O wag na? Baka naman kasi importante ito, kaso parang may nagsasabi sa aking huwag ko itong sagutin!!! Kaya naman naisipan kong hayaan na lang. Ni-reject ko ang tawag at pinagpatuloy ang pagpunta sa ika-apat na palapag ng 4th Year Building. Nakaka-ilang hakbang lang ako ng muling mag-ring ang phone ko.
[ Unknown Number Calling...]
Kinabahan na talaga ako at ni-reject ulit ang tawag sa pangalawang pagkakataon. Then all of a sudden, isang malamig na ihip ng hangin ang yumakap muli sa akin at unti-unting ninakaw ang init mula sa aking katawan. Tila nagsimulang akong manigas sa aking kinatatayuan. Kasabay nito ay isang boses ang aking narinig. Isang boses na nagdulot sa akin ng takot kaya't ako'y napatakbo! Tumakbo ako ng tuloy tuloy at hindi lumingon sa aking likuran. Hindi naman sa ayaw ko pero dahil alam ko kasi na maaaring ang aking paglingon ay siyang maging sanhi ng aking kamatayan.
Ito na nga ba ang aking sinasabi!! Ito na nga ba ang aking kinakatakutan!! Ngunit kahit anong aking gawin.....just because of D*MN Curiosity......ay pinagpatuloy pa rin namin.
Umihip nanaman ang malakas na hangin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo papunta sa 4th Floor; ang tanging lugar na maituturing kong ligtas. Ubod ng bilis na tinahak ko ang hallway na balot na balot na ng kadiliman ng gabi. Habang nadaraanan ko ang mga silid-aralan, tila ba may nakikita ako sa gilid ng aking mga matang mga anino.
Kahit takot na takot ako, na maari na akong manigas sa aking kinatatayuan, ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Patuloy ko paring hinuhugot ang natitirang tapang sa aking puso para lang hindi ako manigas sa takot.
Nang marating ko ang aking paroroonan ay agad kong sinarado ang pinto. Ang aking mga kamay ay nasa aking dibdib at hinahabol ang aking hininga. Napabuntong-hininga ako, sa wakas ay makakahinga ako ng malalim. Pumatak pa rin ang aking mga pawis kasabay nito ay ang pagbalot ulit ng nakakabinging katahimikan, wala akong masyadong naririnig kundi ang mabilis na kabog ng aking puso.
Ang lakas ng bawat tibok na tila ba gusto na nitong lumabas mula sa aking dibdib. Nakahinga na dapat ako ng malalim ngunit sa di maipaliwanag na pagkakataon ay tumunog nanaman ang aking cellphone.
Lumakas ang tibok ng aking puso habang nilalamon ito ng takot at kaba.
Lumakas ng lumakas hanggang sa nakakabingi na ito.
Lumingon ako...paunti-unti...hanggang sa,
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah--!!!!!" sigaw ko habang patuloy sa pagbaon sa aking leeg ang isang kutsilyo. Hindi pa nakuntento ang may hawak nito at pinagsasaksak ang aking katawan kasabay ng malakas nitong pagtawa.
Tinapyasan ng laman ang aking kanang kamay hanggang sa makita ang aking buto habang patuloy ako sa pagsigaw. Pagsigaw na kay hirap gawin, dahil sa aking pag-sigaw, ay sadyang hindi na umaabot sa aking bunganga ang aking tinig, kundi lumalabas na lang ito sa aking nagilitang leeg kasabay pagsirit ng sariwang dugo. Ang hapdi ng buong katawan ko at tila mababaliw na ako dahil sa mga saksak at pagtapyas ng laman sa aking katawan.
Nais kong mawalan ng malay, nais kong magising kung panaginip man ito!!! Ngunit tila impossible!!! Ramdam ko ang sakit ng aking mga sugat habang dumadaloy palabas ang aking sariwang dugo!!! Wala akong magawa, ni makasigaw ay di ko magawa kaya hinintay ko na lang na magsawa ang 'multo ng nakaraan' sa kanyang brutal pagkatay sa akin.
Hindi pa na-kontento ang 'killer' ko at sinaksak ako sa aking tiyan pataas! Nanlalaki ang aking mga mata habang umaagos ang sariwang dugo mula sa mga sugat ko. Kung papatayin lang naman ako, bakit hindi pa ako mawalan ng malay! Bakit di na lang ako mamatay kaagad at kailangan ko pang maramdaman ang sakit na ito.
Naalala ko ang aking pamilya! Ang aking anak! Nasa aking mga magulang ang aking anak na musmos pa lamang. Wala na akong magawa kundi umiyak habang patuloy na pinaglalaruan ng matalim na kutsilyo ang aking katawan habang hawak-hawak ang aking nagilitang leeg pataas ng killer.
"Wahaha, tapos na ang laro at kayo ang talo." sabi ng pigura na ngingisi-ngisi. Nakita ko ang mukha nito salamat sa tulong ng mahinang liwanag mula sa bilog na buwan. Hindi ako makapaniwala! Bakit siya? Sa lahat ng tao eh bakit siya?
"Sa wakas, makakamtan ko na rin ang aking hiling. Haha! Paalam na sa iyo Ericka!" ika nito. Ramdam ko ang pagkabigo, ramdam ko ang sakit ng pagta-traydor nito sa akin, sa amin. Hindi ako makapaniwala! Nakita ko sa gilid ng rooftop ang katawan ng isang lalaki at dalawang babae. Naiyak ako lalo ngunit sa natitirang lakas at hininga ko ay may inusal ako. Isang bulong sa hangin na sana ay magbigay ng katarungan sa amin. Isang usal na walang nakaka-alam kundi ako.
Sa pagbagsak ng aking duguang katawan sa sahig ay nahagip kong lubusan ang mamamatay tao, kitang-kita ko ang mala-demonyo nitong ngiti na nakapinta sa kanyang mukha. Naluluha ako habang naririnig ko ang hagikhik nito kasabay ng isang muhika na nanggagaling sa hawak-hawak ng pigura na tila amulet na hugis puso. Isang muhika na tila ba humihila sa aking kaluluwa at unti-unting nagpa-idlip sa aking mga mata.
*Ilang lingo pagkatapos noon ay isang balita ang yumanig sa lugar na iyon:
"Flash Report: Isang katawan ng isang estudyante na babae ang natagpuan sa Roof Top ng kanilang paaralan. Lasog-lasog ang katawan ng biktima na tila ba ilang beses na naihulog sa isang mataas na lugar. Nagilitan ang leeg at nakapalupot dito ang bituka na mula sa butas butas na tiyan ng biktima. Natapyas-tapyas rin ang mga laman sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima. Sinasabing inatake ng aswang ang dalaga dahil sa brutal na pagpatay dito. Ang katawan ay tila ba ilang linggo na ang tanda. Ito na ang pang-apat na kaso ng pagpaslang sa paaralang ito.
Matatandaan natin na may mga nauna nang report ng pagpaslang sa pareho ring paaralan. Mga bagong graduate na estudyante ng paaralang ito ang apat na biktima. Sa ngayon ay sarado nanaman ang paaralan habang ini-imbestigahan ulit ito ng mga pulis. Nagpapatrol mula sa Edema North High, J****L Bautista."
---------------------------------------------------------
Please:
[ Vote ] [ Comment ] [ Follow ] (>‿◠)✌
I'm hoping for any comments Please!!! (─‿‿─)
Kahit don't vote or follow but please comment your thought. Tnx
BINABASA MO ANG
Musical Heart
HorrorReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!