**************6th Day: The Game Starts Now [Part 1]**************
Madilim......madilim ang lahat. Walang dulong kadiliman ang bumabalot sa akin. Wala akong makita, ni isang bakas ng liwanag ay
wala akong maaninag. Mula sa kadilimang ito ay may isang nakakakilabot na tawa ang yumanig sa kinaroroonan ko. Isang tawa
na tila sa puso ng impyerno ang nagbigay silang sa isang liwanag. Pulang liwanag na parang mula sa hindi nakikitang apoy.
"S-sino ka?" nauutal kong tanong dahil sa takot. Bigla nanamang tumawa ng nakaka-kilabot na tawa ang di maaninag na presensya. Nanginig ako sa takot, sobrang takot na halos lumundag palabas ng aking dibdib ang nagwawalang puso.
Kakaiba ang pakiramdam ko, parang hinihigop ang kaluluwa ko ng nakakakilabot na tawang iyon. Takot, kaba, hinagpis at desperasyon ang bumabalot sa kaloob-looban ng aking puso. Tila nahihirapan na akong huminga dahil sa bilis ng kabog ng aking puso.
"Magpakita ka!" sigaw ko nang makahugot ako ng konting lakas ng loob.
Biglang dumagundong ang buong paligid kasabay ng isang tawa. Isang tawa na tila nagmumula sa buong paligid.
"Wahaha! Gusto mo ba talaga akong makita?" sabi ng boses na dumadagundong sa paligid ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag manginig.
Para akong kunehong nasa madilim na gubat at pinaglalaruan ng isang lobo. Tila isa lang akong palamuti, just a piece in a game na kahit anong gawin ko ay wala akong kawala. Para tuloy akong bato sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw na kahit paghinga ay medyo nahihirapan.
"S-sino ka ba talaga?" tanong ko ulit.
"Ako? Ako ang lobo." sabi nito.
Nanlaki ang aking mga mata. Siya! Siya ang lobo! Pero papaano iyon nangyari? Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako sa aking natuklasan. Kahit papaano eh nasagot na ang iba kong katanungan pero sa kasamaang palad, sa bawat sagot na aking nakukuha ay may kasamang mas malalim na katanungan.
"P-papaano?" iyan lamang ang aking nasambit dahil biglang naglaho lahat. Para akong nasa gitna ng mata ng bagyo, ang kadilimang bumabalot sa aking ay mabilis na umiikot sa aking paligid hanggang maalimpungatan ako mula sa aking panaginip.
Nagising ako, alas tres na nang madaling araw. Katabi ko si Allyson habang si Jane naman at Ate Andy ang magkasama sa kabilang kuwarto. Pinagmasadan ko ang mukha ni Allyson, kahit tulog ay may bakas ng takot sa kanyang mukha. Panay pawis ang kanyang noo. Pare-pareho kami, wala masyadong tulog dahil pati sa aming mga panaginip ay sinusundan kami ng anino ni
..
Kamatayan.Kung nga maari ay wala nang tulog-tulog sa amin ngunit kailangan. Kahit papaano ay makapaghanda kami ng konting lakas para harapin ang bukas, umaasa na mabago namin ang masalimuot na kinabukasang nakahanda sa amin.
Tumayo ako at pinuntahan sina Ate Andy at Carla sa katabing kuwarto. Nakita ko silang natutulog, hindi ko masasabing mahimbing ang tulog nila dahil kahit papaano ay may bakas pa rin ng takot ang mga mukha nila. Nilapitan ko si Carla at inayos ang kumot nito dahil nasa paanan na niya ito saka bumalik sa aming kama at humiga.
Hindi ko namalayan na isang luha ang dumaloy sa aking pisngi, agad ko itong pinunasan saka pilit na matulog. Ipinikit ko ang aking mga mata habang inihahanda ang aking sarili sa mga pasunggab ng mga nakakatakot na imahe. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
------------Time Skip: 3:30 pm------------
Naalimpungatan ako sa mga sigaw kasabay ng pagyugyog sa akin ni Carla. Nasobrahan ata ako sa tulog, masyado akong napasarap dahil wala na ang mga panaginip kong bumabagabag sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Musical Heart
رعبReady for a thrill? Or maybe a Mystery? Why not both? Musical Heart will surely send chills down to your spine!