Chapter 3

124 7 0
                                    

***

"Okay ka na ba, Martelle?"

"Anong nangyari sa'yo? That was odd. Ngayon ka lang naging gano'n."

"Akala namin sinapian ka na."

Hindi niya na lang sinagot ang mga walang kwentang tanong ng mga kaklase niya. He just sit there and wait for their teacher. Kahit gustohin niyang sabihin sa kanila ang nangyari sa kaniya ay hindi niya magawa. Even him, he doesn't know what really happened.

"Okay ka na, Martelle?" Napatingin siya kay Aliza na nagtanong sa kaniya. Smile is plastered on her face.

Napaiwas ito ng tingin bago tumikhim.

"Papasok ba ako kung hindi ako okay?" Mababakas ang pagiging sarcastic sa tanong nito. Napakurap ang dalaga at biglang napasimangot. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pagsisi sa sinabi. Pero nagawa na niya, he can't take it back anymore.

"Tss, sungit." Umirap pa ito at tumalikod na.

Napakurap si Martelle at bahagyang umawang ang bibig. There he goes his heartbeats. Nagiging mabilis na naman ang pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan si Aliza. This feeling is new to him. Hindi man niya aminin pero hindi siya manhid para hindi malaman kung bakit nagiging mabilis ang tibok ng puso niya and he needs to get rid of this strange feeling.

Naging mabilis ang oras. The clock is ticking and Martelle already wants to go home. Pakiramdam niya ay nahihilo siya. Hindi na niya masyadong naririnig ang sinasabi ng kaniyang guro. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata at ikinurap ito. Mabilis niyang natagpuan si Aliza na nakatingin sa kaniya.

May pag-aalala sa mukha ng babae. Itinuro nito ang labi at sumenyas kung okay lang siya. Tumango lang si Martelle at nag-iwas ng tingin. Bumuga siya ng hangin at napamura sa isipan. Damn!

Hindi na niya makaya. Everything around him became blur in an instant. Pinagpapawisan na ang noo niya at hindi niya alam kung may nakakakita sa kaniya t kung meron man, he or she needs to save him. Nahihirapan na itong huminga.





"Martelle! Martelle!" He woke up with a heavy feeling. He looked around at puro puti ang nakikita niya. May nakita pa siyang mga apparatus na nakakabit sa kaniya.

Bigla siyang naguluhan. Sinubukan niyang alalahanin ang nangyari pero wala siyang matandaan. Parang nawala ang kaniyang alaala. He sighed and tried to sit but he can't. Nanghihina ang katawan niya.

Napatingin siya sa pinto na bumukas. Nandoon ang kaniyang ina at ate na nakatitig sa kaniya at sa tabi nito ay isang lalaki na hindi familiar. Pero base sa suot nito ay isa itong Doctor.

"Good evening, Mr. Alonzo. How are you feeling?" Nakangiting tanong ng Doctor.

Hindi siya sumagot. Umiwas na lang siya ng tingin at palaisipan pa rin kung bakit siya nasa hospital pero naalala niya, bigla siyang nawalan ng malay sa school.

Nakarinig siya ng pagbuntong hininga kasunod nito ay ang boses ng kaniyang ina.

"Doc, baka nalimutan niya na kami." Sabi ng ina ni Martelle but you can sense the fear in her voice.

The doctor chuckled before speaking, "Mrs. Alonzo, may I remind you na walang head injury ang iyong anak. Your son's case is far from what you're thinking."

Dahil sa narinig ay napatingin siya sa Doctor.

"What do you mean?" Tanong nito na nakapukaw sa atensyon ng tatlo. Nagkatinginan ang mga ito. Tumikhim ang doctor bago tinapik ang balikat ng kaniyang ate at mama at lumabas.

"Bakit ako nandito?" Tanong niya sa ina na umupo sa tabi nito.

Naririnig niya ang malalalim na paghinga ng kaniyang ina. He glanced at his sister. Bigla siyang nairita sa awa na gumuhit sa mata nito. Iniwas niya na lang ang tingin at tinanong muli ang ina.

"Bakit ako nandito?" He asked again. Mahahalata ang pagkairita sa tono nito.

"Martelle, I'm sorry kung ngayon lang namin sinabi sa'yo. Akala namin ordinary case lang but we never thought na magiging ganiyan sya." Naguguluhan siyang tumingin sa kaniyang ina.

"Ma, diretsuhin mo na ako. Bakit ako nandito?"

Huminga ng malalim ang kaniyang ina at hinawakan ang kamay nito.

"You have an extremely unusual condition. May sakit ka anak and I'm sorry for not telling you."

Natulala na siya at hindi niya na narinig ang ibang sinasabi ng kaniyang ina. Hindi na dapat siya nagulat. From the start, he's already aware that he's not normal because his heart isn't. Pero bakit ganito? Nasasaktan siya at patuloy lang niyang naririnig ang sinabi ng kaniyang ina, his case is extremely unusual.





He got discharged in the hospital that evening. He sighed as he looked outside the car window. Now that he already knows the answers to his questions, he should stop thinking of negative. It's the best way to escape this tragedy for him. Hindi niya dapat isipin na may sakit siya. Hindi niya dapat isipin na hindi siya gagaling. He surely will be fine kailangan niya lang mag-ingat.

Napayuko siya dahil naiisip niya na hindi niya kaya. Kanina lang ay determined siya na gawin ang mga naiisip niya but right now, pakiramdam niya gusto niyang sumuko. But no way in hell! He will do everything para lang gumaling siya. He wants to change, not for others but for his self and this change, he swears that it will change his life.

***

A/n:

Feliz navidad y próspero año nuevo! Five days to go and Hello 2018 na! Ready your New Year's Resolution hahaha! That's all and let's start our new year with a smile.

#Heartbeats
@eifell_smith

Heartbeats Where stories live. Discover now