Chapter 12

82 4 2
                                    

***

Masayang umuwi si Martelle. Smile can be seen on his face at pakiramdam niya excited siyang ikuwento sa kaniyang ate at mama ang nangyari sa kaniya.

Pumasok siya sa loob ng bahay nila at agad nakita ang kaniyang Papa. Ngumiti ito at gumanti naman siya ng isang ngiti. Naiilang pa rin siya pero pilit niya 'yung kinakalimutan. He's still his father at kung wala ang ama ay wala din siya.

Hinanap niya ang mama niya at nakita ito na nagluluto kasama ang kaniyang kapatid. Pasimple siyang naglakad at mabilis na kinagat ang braso ng kaniyang ate. He laughed when he saw her face.

"Martelle!" Nanggigigil na sigaw ng ate niya. Nag-asaran pa sila hanggang sa nagsalita ang kaniyang ina.

"Tumigil nga kayong magkapatid," Tumingin ito kay Martelle at kumunot ang noo. "Bakit sobrang saya mo ngayon anak?" Bigla niyang naalala kung bakit siya nasa harap ng ina at ate.

Tinamaan siya ng hiya. Hindi niya maintindihan kung ik-kwento ba niya o hindi. Pero dahil pinilit siya ng pinilit ng kaniyang ate pumayag na siya.

"Tanda niyo pa ba ma 'yung nicompose kong kanta dati?" Ngumiti ang ina na mukhang naalala ang tinanong ng anak.

"Ah.. Yun ba 'yung para kay Aliza?" Nanlaki ang mata niya na napalingon sa kaniyang kapatid na nakangisi.

"Bakit mo nalaman?" Tumawa ang kapatid at inilingan siya.

"Sinabi ng dalawa mong kaibigan sa akin. Oh ano na 'yung sinasabi mo?" He sighed at gusto niyang batukan ang dalawang kaibigan.

"Nalaman na ni Aliza na ano--" Hindi niya maituloy ang sasabihin. Napakamot na lang siya sa batok at umiwas ng tingin.

Nagkatinginan ang dalawang babae at napangiti. Masaya sila dahil nagk-kwento na ang kanilang bunso sa kanila. Open na siya sa kaniyang nararamdaman at hindi na rin ito tahimik at suplado.

"Anong sinabi ni Aliza?" Tanong ng kaniyang mama. Umiling si Martelle at nagkibit-balikat.

"Walang sinabi. Si Denver kasi, inunahan ako kaya ang wrong timing." Reklamo niya at hindi na nakayanan ng Ate niya at inakbayan ang kapatid habang ginugulo ang buhok nito.

"Binatang binata na talaga ang Martelle namin ah! Ayos lang 'yan bro basta kapag kailangan mo ng tulong para diyan sa nililigawan mo, narito lang kami ni mama." He frowned at sinimangutan ang kapatid.

"Hindi ko pa naman nililigawan." Muling natawa ang kaniyang kapatid at hindi na lang nagsalita.

Pumasok na siya sa kwarto at nahiga. Nakaramdam siya ng pagka-bored since wala naman silang assignment or project. Wala rin namang pinapagawa ang kaniyang thesis partner sa kaniya kaya wala siyang maisip na gawin.

Nakita niya ang Rubik's Cube kaya iyon na lang ang nilaro niya. Ito ang libangan niya maliban sa computer games. Board games at computer games lang ang pwede niyang laruin. He wanted to try Basketball pero ayaw niya ng maulit ang nangyari sa kaniya noon. Inalis niya ang naiisip at nagpatuloy sa pagbuo ng cube.

May kumatok sa pinto ng kwarto niya at maya-maya ay bumukas ito revealing his sister. Nakangiti ito at mabilis na humiga sa tabi niya. Close sila ng ate niya kahit na lagi silang nag-aasaran but they really love each other. Mabuti at pinalaki sila ng gano'n ng kaniyang ina.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya. Umupo ang ate ni Martelle at may inabot sa kaniya. "Anong gagawin ko dito?" Tanong niya ulit nang makita ang pera na inaabot sa kaniya ng kaniyang kapatid.

"Baon mo para sa isang linggo." Napangiti si Martelle at masayang tinanggap 'yun.

"Salamat Ate."

NAHAGIP ng paningin ni Rhealyn, ang kapatid ni Martelle, si Elmo na palaging katabi ng kaniyang kapatid kapag natutulog. Kinuha niya ito at kinakapkap ang bandang tiyan nito.

Dati kasi no'ng bata pa si Martelle ay mahilig itong mag-ipon at kay Elmo niya inilalagay ang naiipon niyang pera. Pero ngayon wala na siyang makapa dito.

"Hindi ka na nag-iipon?" Tanong ni Rhealyn sa kapatid. Umiling si Martelle at binawi si Elmo.

"Nag-iipon pa rin ako." Natahimik ulit at nag-isip ng pwedeng io-open na topic si Rhealyn. Naalala niya bigla si Aliza kaya tinanong niya na lang ang kapatid tungkol sa dalaga.

"Kuwentuhan mo nga ako tungkol kay Aliza." Inirapan siya ni Martelle pero nagkuwento pa rin.

"Si Aliza, matagal ko na siyang kaklase. Since grade 1 pa lang at tanda ko pa lagi niya akong kinukulit. Mabuti nga at hanggang ngayon makulit pa rin siya. Hindi pa rin nagbabago ang ugali niya kahit naging mataray siya pero syempre iba ang pagtataray niya."

"Ang cute niya kasi kapag tinatarayan niya ako. Lagi kong naaalala ang Aliza na kaklase ko noon nung grade 1 ako. Kapag sinusungitan ko siya, natatawa ako sa itsura niya dahil mataba na nga ang pisngi niya lalo pang tumataba."

Pinapanood niya lang ang kapatid na nagk-kuwento. Tuwang-tuwa ito and you can see the twinkles in his eyes. Para tuloy gusto niyang makilala si Aliza. Ngayon lang kasi nagkwento si Martelle tungkol sa nagugustuhan niya.

"At alam mo ba Ate," Tumingin siya sa ate niya habang sobrang laki ng ngiti sa mukha. "Pinilit nila Denver na magpicture kami ni Aliza na magkasama sa Christmas Party namin."

"Pinilit nga ba? Baka isang sabi pa lang ni Denver, um-oo ka agad." Natawa si Rhealyn dahil namula ang tenga ng kapatid.

"Hindi ah! Basta sobrang saya--" Napahinto sa pagsasalita si Martelle. Kinabahan si Rhealyn dahil sa reaksyon ng kapatid.

"Anong nangyari sa'yo? May masakit ba? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong niya kay Martelle. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at marahan itong pinisil.

Napatingin sa kaniya ang kapatid. Napansin niya ang bahagyang pagkakunot ng noo nito. Nagtaka siya at tinanong kung anong problema.

"Sumakit ang ulo ko kanina tapos naalala ko ang panaginip ko," Napahinto ito at lalong kumunot ang noo. "Ang weird lang kasi matagal ko na 'yung napanaginipan."

"Ano ba 'yun Martelle?" Huminga ng malalim si Martelle at parang nag-aalinlangan kung sasabihin ba o hindi.

Huminga ito ng malalim at pumikit. Sumandal sa headrest at muling iminulat ang mata.

"Isang babae na nakatalikod sa akin. May biglang umilaw na tipong nakakasilaw. Familiar ang babaeng 'yun, at alam ko na si Aliza ang babae sa panaginip ko."

***

Heartbeats Where stories live. Discover now