Chapter 18

34 4 0
                                    

***

Kinagabihan ay maagang natulog si Martelle. Nanatiling nakatayo ang kaniyang ina sa kwarto ng anak at pinagmamasdan ang binata. Hinaplos niya ang buhok ni Martelle bago hinalikan sa noo.

Umalis na siya sa kwarto ng anak at nagtaka nang wala pa din ang kaniyang panganay na anak.

Ilang sandali ay nabahala ang mag-asawa nang marinig ang malakas na ungol na nanggagaling sa kwarto ng kanilang anak.  Mabilis nila itong binuksan at naabutan si Martelle na nakahawak sa paa niya. Namumutla din ang kaniyang mukha.

Napaiyak ang ina sa nakita at agad na niyakap si Martelle. Hinaplos din niya ang buhok nito.

"Martelle? Anak? Sshhh..." Duumating ang kaniyang asawa at binuhat si Martelle patungo sa kanilang sasakyan.

Dinala nila si Martelle sa pinakamalapit na hospital. Patuloy pa rin sa pag-ungol si Martelle at kinakabahan na ang kaniyang ina. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Bumungad sa kaniya ang pangalan ng panganay na anak.

"Rhea?" Bungad ng ina habang pinipigilan ang pagsinghot.

"Ma? Ayos lang ba kayo?"

Saglit na napatigil ang ginang bago nagsalita. "Ang iyong kapatid, papunta kami ngayon sa hospital."

Narinig niya ang pagkagulat ng anak kasabay ng paghina ng ungol ni Martelle. Binaba niya na ang tawag at bumaling sa binata.

"Anak? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi sumagot ang binata sa halip ay bumaling ito sa kaliwa at kanan na animo'y may hinahanap.

"Si Ate po?" Mahinang tanong nito.

"Paalis na daw siya at susunod na sa atin." Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng anak kasabay ng pag-iling nito. Nakaramdam ulit siya ng kaba at pagtataka dahil sa pagp-panic ng anak.

"Please ma, pakisabi po kay ate huwag na siyang sumunod." Nanghihina pa rin ang boses nito at nanginginig. Doon na tuluyang nagtaka ang ginang.

"Bakit Martelle? Anong problema?" Hindi niya sinagot ang tanong ng ina pero ang sumunod niyang sinabi ang nakapagpahinto sa ginang.

"Kung may mangyari man po kay Ate gusto ko po siyang tulungan. Tinulungan niya po ako noon at ngayon ibabalik ko 'yun sa kaniya." Hinawakan ni Martelle ang kamay ng ginang at mahina itong pinisil na parang nanghihina. "Ipangako mo sa akin, Ma."

Hindi sumagot ang kaniyang ina. Inulit ulit ni Martelle ang sinabi at wala nang nagawa ang ina at tumango na lang sa sinabi ng kaniyang anak. Napapikit siya habang binibigkas ang salitang pilit niyang winawakasan.

"Pangako."

---

NAKATINGIN  lang ako sa papalayong rebulto ng tao. I can't see her face but I'm familiar with her. Hindi ko lang masyadong maaninag but I'm so sure na malapit lang ito sa akin o kaya ay nakilala ko na ito.

Napahinto ako at napapikit. Ito ang napanaginipan ko noon. Nagmulat muli ako ng mata at pinagmasdan ang rebulto. Malabo sa unang tingin pero habang tinititigan ko ay lumilinaw.

Napahinto ang pamilyar na tao sa paglalakad at lumingon sa akin. Nanlaki ang aking mata at hindi ako makapaniwala. Nakatingin siya sa akin at biglang ngumiti kasabay ng paglitaw ng isang maliwanag na bagay.

Napapikit ako at pagmulat ko muli ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan ng Ate ko. Tiningnan ko kung nasaan ako. Nakatayo ako sa ilalim ng puno. Pinilit kong lumakad pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Napahinto lang ako nang biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Hindi ko namalayan na napatingin na pala ako sa kinaroroonan ng kotse. Mabilis ang takbo nito at maaari itong mabangga. Pinilit kong umalis sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit pa rin na pumapasok sa isip ko ang imahe ni Ate na nakangiti sa akin.

Nakarinig ako nang malakas na pagbusina at ang pagbunggo ng kotse sa isang truck. Napaawang ang aking bibig sa nakita. Napahawak ako sa aking dibdib at doon ko namalayan na unti-unting humihina ang pagtibok ng puso ko.

***

Heartbeats Where stories live. Discover now