***
Sa Monday ay ooperahan na siya. Friday na ngayon at nais niyang sabihin kay Aliza ang totoo. Hindi pa rin sila nagkakausap at nababahala siya. Gusto niyang magkaayos sila bago siya umalis. Gusto niyang makausap muna ang dalaga.Saktong natapos siya sa kaniyang kinakain nang tumayo si Aliza. Tumayo na rin siya at naglakad papalapit sa dalaga. Napatingin ito sa kaniya at mabilis ring nag-iwas ng tingin. Tumikhim siya bago nagsalita.
"Uh... M-may sasabihin sana ako sa'yo," Panimula niya. Hindi nagsalita si Aliza at nakaramdam ulit siya ng pagkahiya. "Naalala mo pa ba nang mahimatay ako noong P.E time? Noong nagk-klase tayo?" Tumango si Aliza at bahagyang nagseryoso ang mukha.
"Nalaman ko na may sakit ako at hindi ito pangkaraniwan. May sakit ako sa puso and by Monday, ooperahan na ako. Kaya ko ito sinasabi sa'yo ngayon dahil gusto kitang makausap. Pasensya sa nangyari n---"
"Matagal mo na bang alam na may sakit ka?" Putol sa kaniya ni Aliza. Tipid siyang tumango at napayuko. "Bakit hindi mo sinabi?" Tanong pa nito.
Nagkibit-balikat lang siya. Pinagmasdan niya si Aliza at nakaramdam siya ng pagsakit sa dibdib niya.
"Gusto kong marinig ulit ang boses mo bago ako umalis. Gusto ko rin na marinig mo ulit ito," Huminga siya ng malalim at nginitian si Aliza. "Gusto kita, Aliza at sana maging masaya ka palagi. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Me gustas tanto."
---
Pabalik na ako ng room nang makita ko si Sandra na mag-isa sa study hall. Mukha itong malungkot at parang naiiyak. Nilapitan ko na lang siya at naupo sa kaniyang tabi. Napatingin naman ito sa akin at biglang nanlaki ang kaniyang mata.
"Martelle?" Takang tanong nito.
"Bakit ka nandito?" Napayuko ito at sunod kong narinig ang kaniyang malalim na pagbuntong hininga.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo, kasi you know 'girls-drama'." Napatawa ito ng mahina and after that tumahimik na ulit kami.
Naupo na lang rin ako doon. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Pagkatapos kong sabihin 'yun kay Aliza ay umalis na ako at hindi na hinintay pa ang reaction niya. Ang mahalaga para sa akin ay nasabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin.
"Nakakalungkot na kung sino pang pinagkakatiwalaan mo sila pa 'yung hindi magtitiwala sa'yo. Gets mo ba?" Tiningnan ko si Sandra at tumango. Huminga ulit siya ng malalim at sinimulang paglaruan ang kaniyang daliri.
Hindi ako gano'n ka-close sa mga kaklase ko pero minsan ino-obserbahan ko ang kilos nila. Tulad ni Sandra, isa siya sa pinakamaingay sa room. Mahilig kumanta at mahilig magpatawa. Meron siyang dalawang kaibigan at sa tingin ko silang dalawa ang tinutukoy niya ngayon.
"Akala kasi nila tintraydor ko sila. I mean- bakit hindi muna nila ako pakinggan bago sila gumawa ng sarili nilang kwento. And one time, may sinabi 'yung isa kong kaibigan sa akin," Napailing ito at napatingala. Doon ko lang napansin ang luha na namumuo sa mata niya. "Sabi niya 'Kung papipiliin daw ang mga kaklase natin kung ako or siya, marami daw ang boboto sa kaniya'. Alam mo 'yung gano'ng pakiramdam? 'Yung pakiramdam na ipinagkompara ng kaibigan mo 'yung sarili niya sa'yo?"
Nanatili na lang akong tahimik. Hindi kasi ako magaling mag-comfort. Himala nga at hindi ako nakakaramdam ng 'ilang' ngayon.
Napatingin sa akin si Sandra at awkward na ngumiti. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi at nag-peace sign sa akin.
"Pasensiya kung nagdrama pa ako sa harap mo. Pero alam mo Martelle, ilang taon na tayong magkaklase at ngayon lang kita nakausap. I thought masungit ka kasi hindi ka naman palangiti pero nag-iba ka ngayong school year. Sana lagi ka nang nangiti." Tumayo ito at ngumiti ulit sa akin.
"Bye na. Kailangan ko pang kumausap ng animal."
Umalis na ito at naiwan akong mag-isa doon. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Napangiti na lang ako at tumayo na rin para pumunta sa aming room.
Pagdating ko sa amin ay nakita ko ang mga bag na nasa sala. Lumabas si mama mula sa kusina at ngumiti sa akin. Pinalapit niya ako sa kaniya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Tinapik niya rin ang balikat ko.
"Nasabi mo na ba sa mga kaibigan mo?" Napakunot ang noo ko pero tumango pa rin. "Mabuti naman. Pumunta ka muna sa kwarto mo at nagluluto pa ako."
Sinunod ko na lang ang inutos ni Mama at pumunta na sa aking kwarto. Humiga na lang ako at inisip kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.
***
YOU ARE READING
Heartbeats
Short StoryMartelle Alonzo was the type of guy who always frown and smiling was never a part of his dictionary. Not until he found out a secret that will turn his world upside down. HEARTBEATS | 12-21-17 A short story dedicated to my friend. @eifell_smith