Chapter 19

45 4 0
                                    

***

Nagpakawala ng isang malalim na paghinga ang ginang. Nakahinga siya nang maluwag nang madala nila ang kanilang anak sa hospital. Ngayon ay nasa isang private room si Martelle dahil bukas ay dadalhin na ito sa Manila upang doon operahan.

Pinagmasdan niya na lang si Martelle na mahimbing na natutulog.

Saktong tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang kaniyang kapatid. Napakunot ang noo niya. Minsan lang kasi tumawag ang kaniyang kapatid at tiyak na importante ito.

"Hello?" Narinig niya ang mahinang pagsinghot sa kabilang linya.

"N-nasaan ka?" Nanginginig ang boses nito habang nagtatanong.

"Nasa hospital, dinala namin dito si Martelle. Bakit?" Narinig niya ang pagsinghap sa kabilang linya at mahihinang bulong.

"S-si Rhealyn kasi...."

"Bakit? Anong nangyari sa anak ko?" Napatayo na siya. Dumoble ang kaba na kaniyang nararamdaman. Sumagi din sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ni Martelle.

"Kasalukuyan siyang idinadala diyan sa hospital. Nabangga ng truck ang kotse na sinasakyan ng iyong anak. Sabi ng nga nakakita, mabilis daw ang takbo ni Rhealyn," Napaupo na siya at napahagulhol. Hindi niya alam ang gagawin niya. "Huwag kang mag-alala, papunta na rin kami diyan. Magiging ayos sila, okay?"

"Mama...." Sinulyapan niya ang anak na nakatingin ngayon sa kaniya. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay.

"Kamusta Martelle?" Hindi sumagot si Martelle. Nanatili itong nakatingin sa ina.

Sandali silang nanahimik hanggang sa binasag ng binata ang katahimikan.

"Hindi niyo pa naman po nakakalimutan ang ipinangako mo sa akin hindi ba?" Tumango ang ginang kahit unti-unti na siyang nahihirapang huminga. Napangiti naman ng matipid si Martelle. "Narinig ko po ang nangyari kay Ate at sana may maitulong ako sa kaniya."

Umiling ang ginang at hinigpitan ang pagkakakapit sa anak. Alam niya ang ipinahihiwatig ni Martelle at hindi niya 'yun kayang gawin.

"Ma, nangako kayo sa akin. Kahit 'yun lang po, masaya na ako."

"Martelle, mahal ka namin at alam mo na magagalit ang ate mo kapag nalaman niya ang gusto mong gawin." Ngumiti lang ng tipid ang binata.

"Ayos lang po. Basta maging okay ang lagay ni Ate, ayos lang."

Nagbukas ang pinto at pumasok ang ama ni Martelle. Mukha itong pagod pero nakuha pa ring ngumiti.

"Ako muna ang magbabantay kay Martelle. May nais kumausap sa'yo." Sabi ni Mr. Alonzo. Nagpaalam ang ginang kay Martelle bago lumabas.

Nakita niya ang kaniyang kapatid na naghihintay sa kaniya sa labas. Nang makita siya ay agad siyang niyakap ng mga ito.

"Nasa emergency room na si Rhea. Kamusta si Martelle?" Tipid na ngumiti ang ginang at sumagot ng 'ayos lang'.

"Puntahan muna natin ang panganay mo."

Sa labas ng emergency room sila naghintay. Tahimik lang at hindi nagkikibuan. Kinakabahan kasi ang ginang sa kaniyang anak. Sana naman ay hindi malala ang nangyari dito.

Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang doctor at napatingin sa kanila. Tinanggal nito ang suot na mask.

"Sino po sa inyo ang ina ni Rhealyn?" Lumapit siya sa Doctor at agad tinanong ang kalagayan ng anak.

"Your daughter is safe from any injury but we found something in your daughter's case."

"Wala po ba sa inyo ang may history ng Keratoconus? Or wala bang nababanggit sa inyo ang anak niyo tungkol sa paghapdi ng kaniyang mata?" Umiling ang ginang. "Your daughter is a victim of Keratoconus kaya siguro siya naaksidente. Her cornea thins causing her vision to distort. This is a serious case and to avoid such accidents again, I advise you to find someone who's willing to donate her cornea."

Nanghina ang tuhod niya sa narinig. Bakit pa kailangan itong mangyari sa kanila? Napaupo na lang siya.

"For now, we're still running some test to your daughter. Excuse me," Umalis na ang Doctor at naiwan sila.

Humagulhol na siya doon at wala na siyang pakielam kung may makakita man sa kaniya. Bakit sa dinami-dami pa ng tao? Bakit sa kaniyang dalawa pang anak ito nangyari? Nagpadala na lang siya sa yakap ng kapatid at doon iniyak lahat.



Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatayo sa harap ni Martelle. Pinagmamasdan niya ito dahil bumabagabag sa kaniyang isipan ang sinabi ng anak. Umiling siya, hindi. Hindi niya hahayaan na ang anak niya ang mag-donate sa kaniyang Ate. Hahanap sila ng willing na mag-donate pero hindi ang kaniyang anak.

"Ano ba ang sinabi ni Martelle sa'yo?" Tanong ng kaniyang kapatid. Nag-aalala ang mukha nito.

"Gusto niya daw tulungan ang ate niya. Nasa sasakyan pa lang kami, sinabi niya na 'yun." Humarap siya sa kapatid at napayuko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nagbukas ang pinto at pumasok ang Doctor ni Martelle. May tiningnan ito sa dala niyang record book at tinanguan ang ginang.

"Your son is safe to travel tomorrow. Maaari niyo na siyang ilabas at dalhin sa Manila." Natuwa ang ginang sa narinig. "Your son is a fighter, stay strong Mrs. Alonzo."

Napagdesisyonan nila na mananatili si Mr. Alonzo sa Hospital para sa kanilang panganay na anak. Naghahanap pa rin sila ng donor pero wala silang mahanap.

"Ma?" Napahinto sa pagtatalop ng prutas si Mrs. Alonzo nang marinig ang boses ni Martelle. Nangingilid ang luha nito kaya mabilis niya itong dinaluhan.

"Bakit? May masakit ba sa'yo?" Umiling naman ang binata.

"Si Ate po?" Hindi nakaimik ang ginang. Rinig niya ang pagbuntong hininga ni Martelle bago nito hinawakan ang kamay ng ina. "Please ma, gawin niyo po ang pangako niyo. Gusto niyo po ba akong maging masaya?" Tumango ang ina at napahinga ng malalim.

"Gusto kong maging masaya ka pero hindi ko kaya ang pinapagawa mo anak--"

"Hindi na rin naman po ako magtatagal," Napatigil ang ginang at gulat na napatingin sa kaniyang anak. "Ramdam ko na naman po at tanggap ko na. Kahit na operahan man ako, mahina pa rin ako. Ipinanganak na akong may ganitong sakit at dala-dala ko na ito hanggang sa pagtanda ko."

"Marami na po akong nagawa dito sa mundo. May napasaya na ako at kontento na ako doon. Tinulungan po ako noon ni Ate at ngayon siya naman ang tutulungan ko. Sana po ma, suportahan niyo ako dito. Kahit ito na lang po para kay Ate. Please mama..."

Napaiyak na ang kaniyang ina at agad siyang niyakap. Humagulhol na ito sa balikat ng anak. Hindi niya akalain na gano'n mag-isip ang kaniyang bunsong anak. Mahal na mahal nito ang kaniyang kapatid.

"Anak, mahal na mahal ka namin. Sana hindi mo inisip na naging pabigat ka, okay?" Naramdaman niya ang pagtango nito. Pinigilan na ni Mrs. Alonzo ang pag-iyak at pinilit magpakatatag para sa anak. "Sasabihin ko 'to sa daddy mo at sa mga Tita mo. Mahal na mahal kita, Martelle." Mahina niyang sabi na sinabayan ng pag-iyak.

Narinig niya pa ang mahinang pagtawa ng anak at paghaplos nito sa buhok ng ina.

"Ma tumigil na nga po kayo sa pag-iyak. Huwag na huwag na po kayong iiyak dahil sa akin, okay? Kapag nakita ko kayong naiyak, magtatampo ako." Tumigil na sa pag-iyak ang ginang at mahinang pinisil ang pisngi ni Martelle.

"Hindi na po." Tumahimik ulit sila. Panay ang buntong hininga ng ginang samantalang nakangiti si Martelle at pilit na binabalewala ang sakit na nararamdaman.

"Ma, may isa pa po pala akong hiling sa inyo," Nagtaka ang ginang at hiniling na sana ay iba ang hiling ng anak sa kaniyang naiisip.

"Sige ano 'yun?"

"Si Aliza Ma, 'yung babaeng ikinuwento ko sa inyo noon? 'Yung babaeng gusto ko," Pinagmasdan niya ang ngiti ng anak nang mabanggit ang pangalan ni Aliza. "Pasayahin niyo po siya. Pakisabi na rin po kina Denver na sila na ang bahala sa kaniya."

Napapikit ang ina at bumuntong hininga. Masakit man pero tumango siya. Saka niya naramdaman ang pagkalma ng paghinga ni Martelle.

***

Heartbeats Where stories live. Discover now