Chapter 5

85 5 0
                                    


Here's the update! Enjoy!

***

Kinakabahan. Ayan ang nararamdaman ngayon ni Martelle. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay Hospital lalo na kapag nakakakita siya ng mga naiyak. At pinangako niya sa sarili niya noon na hindi siya pupunta sa Hospital pero heto at narito siya ngayon.

Pumasok sila sa isang silid. Tahimik at hindi kaaya-aya ang amoy para sa kaniya. He never like the idea of being here inside the doctor's room.

Ngumiti sa kanila ang Doctor pagkakita sa kanila. Umupo sila sa tapat. Hindi na muling tumingin si Martelle sa Doctor. Nilibot niya na lang ang tingin sa loob ng silid.

"Kaibigan ako ni Dr. Ramirez at nasabi niya nga sa akin ang naging resulta ng observation nila but still, I need to have his chest X-ray." Napalingon siya dahil sa sinabi nito.

"Thank you Doc." Tumango ang Doctor at tumingin kay Martelle at ngumiti.

"So Martelle? You need to undress from the waist up and change into a hospital gown."

Pumasok sila sa isa pang room. Nakita niya ang X-ray camera at agad kinilabutan. Baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ng Doctor sa kaniya about sa results.

Tumayo siya sa tabi ng plate at may pinasuot sa kaniya na lead apron. Nagsimula na ang Doctor at pinilit niya ang sarili niya na huwag huminga para maging maayos ang kuha. Nakahinga siya ng maluwag nang matapos. Pinasuot na din sa kaniya ang kaniyang damit at lumabas na sa room na 'yun.

"Sa next appointment ko po id-discuss ang results. Thank you Ma'am." Tumango ang Doctor at iginaya sila palabas.

Ngumiti ang kaniyang mama sa kaniya pagkaalis nila. He tried to smile dahil ayaw niya itong mag-alala. Nararamdaman din niya na natatakot ang kaniyang ina lalo na at sabi ng doctor na he's in rare case. Rare, minsan pwede pang magamot pero minsan hindi na at nababahala siya. He wants to live, pero paano kapag mismong puso niya ay ayaw na?






"Anong iniisip mo?" Mahina itong napatalon sa gulat at sasamaan sana ng tingin ang nagsalita pero agad niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napahawak siya sa railings at pumikit ng mariin.

"Hey, ayos ka lang?" Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman niya ang paghawak ni Aliza sa kaniyang balikat

"I'm okay." Tipid niyang sagot at iniwas ang balikat. Lumayo naman si Aliza at tumango. Nakahinga siya ng maluwag.

"Anong ginagawa mo dito?"  Palihim niyang tiningnan ang dalaga na sumandal rin sa railings. Hindi niya maiwasan ang humanga dito. Kahit na hinahangin ang buhok niya ay maganda pa rin siya.

"Wala lang. Mahangin at tahimik." Nakita niyang tumango si Aliza at hindi na muling nagsalita.

Nasa third floor ang kanilang classroom at sa pinakadulo ay may space na parang balcony. Wala namang nagamit ng room na nasa dulo kaya ayos lang kung magpunta siya dito.

"Sabagay. Mabuti nga at tayo lang ang nandito sa third floor kaya pwede tayo ditong tumambay." Napangiti siya dahil sa sinabi ni Aliza. Nakaramdam siya ng pagka-komportable kay Aliza.

Alam naman nilang lahat na hindi siya palangiti at masungit siya noon pero si Aliza, nagawa siyang kausapin. Takot kasi ang mga kaklase ni Martelle sa kaniya. Para daw itong nangangain ng buhay at dapat hindi ta-tanga tanga sa harap niya which is true.

"Oh my god!" Nilingon niya ang dalaga na hinampas siya sa balikat. "Ngumiti ka!" Tuwang-tuwa nitong sabi at nagtatatalon. "Pangalwang beses na ngumiti ka! Oh em gee! Should I be glad na nakita kitang ngumiti?" Napatawa si Martelle kaya lalong nanlaki ang mata ng dalaga.

"Bakit ka tuwang-tuwa kapag nangiti ako?" Nakangiti niyang tanong. Natigilan si Aliza at nag-isip. Pagkakataon niya para matitigan ang dalaga.

"Gwapo ka pero mas gwapo ka kapag nakangiti ka." Napatigil siya at parang nahirapang huminga. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at natatakot siya na baka bigla na lang siyang mawalan ng malay.

"Hoy! Natulala ka na naman." Tumawa ang dalaga at napatingin sa relo nito. Nawala ang ngiti nito at napasapo sa noo. "I need to go na pala. May meeting pa kami sa club e, bye!" Nagwave ang dalaga at patakbong umalis.

Pinagmasdan na lang ni Martelle ang kinatatayuan ni Aliza kanina. Weird sa pakiramdam dahil hindi siya nawawalan ng malay kahit na ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya kapag kaharap ang dalaga. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit niya ito nararamdaman?

***

Heartbeats Where stories live. Discover now