Chapter 11

59 5 1
                                    

***
Wednesday ngayon. Ang araw na kinaaayawan niya. Dahil ngayon ang araw na kakantahin nila ang kanilang ginawang kanta and Martelle doesn't have any confidence left.

Ini-record niya ang sariling boses na nakanta at pinakinggan. Nakita niya ang pagdating ni Kris kaya agad siyang tumayo at lumapit sa babae.

Ayos na silang dalawa. Kinausap ni Martelle si Kris noong Monday and apologized for what he said. Humingi rin ang tawad ang dalaga at sinabing kalimutan na lang. Thanks God Kris was cool with it at hindi pala mahirap pakisamahan ang dalaga. Mabait ito pero mapang-asar lang talaga.

"Kris, need your help." He heard her sighed bago humarap sa kaniya.

"What? Siguraduhin mong hindi 'yan kalokohan." He send her a glare pero inirapan lang 'yun ng dalaga.

"Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko mamaya. Nahihiya akong kumanta." Mahina ang boses na sabi niya. Natawa si Kris at lumingon sa harap bago muling tumingin sa akin.

"Bakit naman? Isipin mo na lang na walang nanonood sa'yo at medyo maganda naman ang boses mo kaya pwede na 'yan." Napailing siya. Ano pa nga ba ang mapapala niya sa babaeng 'to.

"Tsk. Makaalis na nga." Umupo na siya sa upuan at huminga ng malalim. Malapit na kasi na mag-time at first subject nila sa afternoon class ang Music.

Hindi niya na talaga kaya at kinakabahan na siya. Feeling niya kasi hindi bagay ang kakantahin niya sa kaniya. Napatingin siya kay Aliza at napaiwas ng tingin. He glanced at his watch at napakagat ng labi. Three minutes left bago mag-time.

Napailing siya at tumayo. Lumapit siya kay Kris at umupo sa upuan na katabi nito. Tumingin sa kaniya saglit ang dalaga at nag-focus muli sa pagtitig sa unahan.

He sighed and poke her arm. Sinamaan siya ng tingin ni Kris at tinaasan ng kilay.

"What?"

"Pakinggan mo kasi 'yung kanta, tingnan mo kung pangit ba o hindi." Napailing na lang si Kris at medyo lumapit dito. Ibinigay ni Martelle ang phone niya sa dalaga at naglagay naman ng earphone ang huli para makinig.

Kinakabahan siya habang nakatingin kay Kris na seryosong nakikinig sa kanta niya. Tinanggal na ni Kris ang earphone at tumingin may Martelle. Tumango siya at nag-thumbs up.

"Ayos lang. Nadala ng boses mo," Napatawa si Kris kaya lalo siyang kinabahan.

"'Yung totoo kasi, pangit o hindi?" Umiling si Kris. He sighed at huminga na lang ng malalim.

Tumayo na siya at umupo sa sariling upuan. Sakto naman na dumating ang kanilang Music teacher. Agad itong bumunot ng pangalan nang unang magp-perform.

Napapikit siya nang marinig ang pangalan niya na pang-apat na tinawag. Nag-cheer sa kaniya ang mga kaklase nila sa pangunguna ni Jay at Denver. Napayuko siya nang maalala kung bakit kakaiba ang ngisi ng mga ito.

Nalaman kasi ni Denver na may gusto na siya kay Aliza. He tried to deny it pero mapilit ang kaibigan kaya sa huli umamin na siya. Matagal niya ng napapansin na palagi niyang naiisip si Aliza and he's not that stupid para hindi malaman kung anong meaning no'n. Kinakabahan lang siya kapag nalaman ng dalaga. She might avoid him dahil maiilang ito.

Tumayo na siya at inalala ang lyrics ng kanta. Napapikit muli siya at huminga ng malalim.

Nung ako'y natutong gumawa ng kanta,
Ikaw agad ang nasa isip gawan kaya kita,
Ang aking ninanais ay tungkol sa 'ting dalawa,
Ngunit hindi ko magawa dahil baka magalit ka

Biglang pumasok sa isip ni Martelle ang mga alaala noong grade 1 siya. May isang babae na laging nangungulit sa kaniya pero lagi niya itong sinusungitan. Muntik na siyang mapatawa nang maalala kung sino ang babaeng 'yun, at yun ay si Aliza.

Noong unang beses tayo nagkita,
Wala pa akong pake sa itsura mo,
Ikaw pa ang laging namamansin sa akin,
Tas naalala ko ang sama ng ugali ko

Napasulyap siya sa babae na seryosong nakikinig sa kaniya. Nagtama ang paningin nila kaya nauna siyang umiwas ng tingin. Ayaw man niyang umamin noon pero totoo. May crush na siya kay Aliza. Si Aliza ang first crush niya and he's so glad na hindi nagbago ang ugali ng babae. Kahit na lalo itomg gumanda, makulit pa rin ito pero mataray lang.

Ngunit ngayon nakita ulit kita,
Ibang-iba na ang lahat sa iyo,
Hindi ko lang alam papansinin mo ba ako?
Kung sinabi ko na crush kita... Dati pa

Tumigil na siya sa pagkanta at umupo na sa upuan kaya mas narinig niya ang sigawan ng kaniyang dalawang kaibigan. Napailing siya nang biglang sumigaw si Denver na dahilan para mag-init ang kaniyang tenga.

"Dedicated 'yan kay Aliza!" Nagulat ang mga kaklase nila lalong lalo na ang dalaga. Hinilot niya ang sentido at lumapit kay Denver para sipain ito sa tuhod.

"Tatamaan ka talaga sa akin mamaya." Mariin niyang sabi dito pero hindi natinag ang kaibigan at inasar pa siya lalo.

Tumahimik lang ang mga kaklase niya nang magsalita ang kanilang teacher. Tumingin ito kay Martelle at ngumiti.

"Totoo ba 'yun Martelle?"

Hindi niya alam ang isasagot. Kung sasabihin niyang totoo malalaman ng mga kaklase niya pero bakit pa nga pala itatago sa kanila kung alam na nila dahil sa loko niyang kaibigan?

He sighed and nodded at nagtilian ang mga babae niyang kaklase while some are teasing Aliza. He can't help but smile too. Biglang gumaan ang loob niya. Akala niya ay magiging maganda ang araw na 'yun para sa kaniya pero nagkakamali siya.

Napahawak si Martelle sa upuan at napahawak sa ulo. His weird dream flashed in his mind. Naalala niya ang familiar na figure ng babae sa kaniyang panaginip. Papalayo ito sa kaniya at may biglang umilaw. Nakakasilaw na ilaw.

May naramdaman siyang yumuyugyog sa balikat niya kaya siya napamulat. His eyes roamed and he saw everyone is looking at him. May concern sa mata nila at naalala niya muli ang nakita.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sean na katabi niya. He nodded kahit na hindi.

He glanced at Aliza's direction. He's so sure na ang dalaga ito. That familiar structure. Sure siyang ang dalaga ang nasa panaginip niya pero bakit? Anong ibig sabihin ng bigla niyang pagkaalala sa panaginip na 'yun?

***
A/n:

Thank you kay Martelle dahil pinayagan niya ako na gamitin ang song niya for this chapter. I hope mabasa mo ito and sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update. Enjoy reading!

#Heartbeats
#ThankYou4TheMemories

@eifell_smith

Heartbeats Where stories live. Discover now