***
Martelle is in bright mood nang pumasok siya sa school. He's so sure that this day will be his day. Magiging maganda ang araw na ito sa kaniya kaya he has this mood na hindi mo alam kung weird ba or not.
He greeted his classmates for the first time! Nakakapagtaka kung anong nakain ng lalaki. Nag level-up na siya dati since nangiti na ito kapag may nabati sa kaniya and now, hindi nila alam na magl-level up pa ito. He's the one who's greeting them instead!
"Anong nakain mo?" Jay asked. Martelle shrugged still smiling. Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan.
"Kung anong kinain mo kanina, h'wag mo ng kakainin ulit ha! Ang creepy mo!" Denver exclaimed kaya napatingin ang mga kaklase nila sa kanila.
"Ano bang masama kung nakangiti ako ngayon?" Tanong ni Martelle.
"Walang masama pero ang unusual tingnan. Para bang may sumapi sa'yo na baklang kaluluwa." Napailing na lang siya at tinalikuran na lang ang dalawa niyang kaibigan.
Bakit ba gano'n sila makareact kapag nangiti ako? Is it wrong to smile because it's odd to see him smiling? Or talagang hindi bagay sa kaniya ang ngumiti?
The thoughts make him cringed kaya agad niya itong winaksi. He's trying to be positive lalo na at nalaman niya sa kaniyang ina na malapit na ulit ang check-up niya. Nakakakaba talaga kapag nagpapacheck-up. Nakakatakot makita ang results but he told himself that he will live in the positive side at kahit na anong mangyari, he will try to be the guy he wanted to be. He will try to escape his reality kung mangyayari man ang kinatatakutan niya.
Their Music teacher came in. Nakangiti din ito at nagtaka siya nang makita na wala ang libro na laging dala ng kanilang music teacher.
"Good morning class!" She greeted. "So for today's activity, I want you to write a song---- compose a song and of course kakantahin niyo sa unahan."
May mga umangal at may sumang-ayon and Martelle is in between. Marunong naman siyang kumanta, hindi pangit ang boses niya pero sa pagcompose ng kanta? He's not sure if he got some talent on that one.
"Don't worry. I will give you time to practice. By next week na lang kayo magp-perform but ang kanta na gagawin niyo, dapat ipasa sa akin ngayon. ¿Entender?" They don't have a choice but to nod their heads. Ngumiti ang music teacher nila as she clapped her hands.
"Minimum of three stanzas!"
Kumakanta siya sa kwarto niya nang may kumatok sa pinto. Walang tigil ang katok at may balak atang sirain ang pinto. Inis siyang tumayo at binuksan ito revealing her sister who's frowning at him.
"Ang tagal ah!" Reklamo nito. Nilibot muna ang tingin sa kwarto bago nagsalita. "By the way, dinner is ready na so bumaba ka na doon!"
Tumango si Martelle at inayos muna ang sarili bago bumaba para kumain. Nang makita niya ang ulam ay agad siyang pumunta sa kaniyang upuan at nginitian ang ina. May napansin siyang kakaiba dito. His mother is smiling but her eyes are teary. Tiningnan niya rin ang kaniyang kapatid na walang reaksyon habang nagsasandok ng kanin.
He's about to ask what's happening when he heard a familiar voice and in an instant, his mood shift. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at pinakalma ang sarili.
"Martelle..."
Nakikita niya ang pagsulyap sa kaniya ng kaniyang ina. She looks nervous at ang ate naman niya ay patuloy na nakain na para bang walang nangyayari.
Lumapit ang may-ari ng boses sa kaniya. Naramdaman ng binata ang pagtapik ng isang kamay sa balikat niya kaya siya ay mahinang napatalon. Kinilabutan siya at ang mga alaala na pilit niyang kinalimutan ay muling nabalik.
"Anak..." He heard his voice again. His father's voice.
Tatlong taon na ang lumipas mula ng iwan niya sila. Sumama ito sa ibang babae dahil naging mahirap na sila at naiwan ang kaniyang ina at ate. Nasa wastong gulang na siya nang iwan siya nito at alam niya kung gaano kasakit ang talikuran ng nagsisilbing inspirasyon mo.
Nagagalit siya dahil bumalik ito. Dahil ba mayaman na ulit sila? Nagsawa na ba siya sa kaniyang mga babae? O kailangan niya ng pera?
Mahina siyang napatawa kaya napatingin ang mag-ina sa gawi ni Martelle. Narinig niya ulit ang boses ng kaniyang ama.
"Martelle-- anak, namiss kita.." Humarap siya sa ama na nasa likuran niya. Napailing ito at sarkastikong ngumiti.
"Talaga? Ako ba ang namiss mo o ang pera namin?" Halatang nagulat ang lalaki sa sinabi ng anak pati na rin ang kaniyang ina.
"Martelle! Magbigay galang ka sa ama mo." Hindi niya pinansin ang ina.
"H-hindi 'yan totoo. I'm sorry kung iniwan ko kayo noon, pero nagsisisi na ako. Pasensiya anak, sana mapatawad mo ako." Napaismid si Martelle at tiningnan ang pagkain niya. Bigla siyang nawalan ng gana.
"Nawalan na ako ng gana. Excuse me." Umalis na ito at nagdiretso ng kwarto.
Pinilit niyang ituon ang focus sa ginagawa. Nagp-paint siya to loosen up. He wants to clear his mind for now. Akala niya pa naman ay magiging maganda na ang araw at gabi niya pero akala lang pala.
Naiinis siya sa sarili dahil ayaw niya man aminin pero na-miss niya din ang kaniyang ama. He wanted to hug him but he can't. Nangingibabaw ang galit at gusto niya ring sapakin ang sarili sa sinabi sa sariling ama. He looked rude but his father made him like that. Magmula ng iwan siya nito, nawala na rin ang kaniyang respeto dito.
He heard a knock on the door followed by a creak sound. Tiningnan niya kung sino ang pumasok at nakita ang kaniyang ate. Mukha itong malungkot at naiiyak. Nilinis niya muna ang kalat at tumabi sa ate na nakahiga sa kaniyang kama at nakayakap sa dala nitong unan.
Umupo siya at sumandal sa headrest. Ipinikit niya ang mata. Minsan lang maging ganito ang ate niya at kapag naging ganito ito, it means may problema siya na hindi niya kayang kimkimin sa sarili. Naniniwala kasi ang babae na kaya nitong i-solve ang problema by herself without the help of others.
"Bakit gano'n?" Nagmulat siya ng mata at tiningnan ang ate na nakatitig sa kisame. "Kung kailan kaya na nating mamuhay ng wala siya, saka siya dadating. Gusto ko man isipin na kaya siya bumalik sa atin dahil nalaman niyang nakaahon na muli tayo sa hirap pero alam kong hindi 'yun totoo." Tumingin ang ate niya sa kaniya.
"Nakita ko ang longing sa mata ni Papa. His eyes said it all. The longing, pain, love, excitement and nervousness--- nakita ko sa mata niya kaya nalilito ako," Bumuntong hininga ito at tumitig muli sa kisame. "Bakit kaya gano'n Martelle, kaya ko ba siyang tanggapin ulit sa buhay natin? To be honest, I miss the old days kung saan masaya pa nating kasama si Papa and every night, ini-imagine ko na sana makasama ulit natin siya,"
"Pero ngayon na nandito na siya, I don't know what to feel. Ang hirap pala kapag kaharap mo na ang taong nanakit sa'yo. Akala mo kaya mo na siyang harapin, akala mo kaya mo ng sabihin ang mga gusto mong sabihin but I was wrong." Umupo ang babae at pinagmasdan ang kapatid. "Ikaw, kaya mo ba siyang tanggapin ulit?"
Hindi nakasagot si Martelle. Kaya niya ba? Nasanay na siyang walang ama dahil hindi nagkulang ang kaniyang ina sa pagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal.
Dahan-dahan siyang tumango at ngumiti sa ate.
"I can accept him again as my father pero hindi ibig-sabihin no'n na matatanggap ko agad siya. Everyone deserves a second chance," Napailing ang ate niya at ginulo ang buhok ni Martelle. Bumuntong hininga ito at pumikit.
"Sabagay. He's still our father and he thought us to forgive, because God always forgives us."
***
YOU ARE READING
Heartbeats
Historia CortaMartelle Alonzo was the type of guy who always frown and smiling was never a part of his dictionary. Not until he found out a secret that will turn his world upside down. HEARTBEATS | 12-21-17 A short story dedicated to my friend. @eifell_smith