***
Nagmulat ng mata si Martelle at agad niyang pinakiramdaman ang sarili. Hindi niya alam kung nanaginip ba siya kagabi pero parang totoo na nangyari. Sumasakit ang paa niya at naninikip ang kaniyang dibdib. Huminga na lang siya ng malalim at bumangon na.
Weird.
Nasabi niya sa isip. He felt an odd feeling when his feet touched the ground. Isinawalang-bahala niya na lang 'yun at lumabas na.
Agad bumungad sa kaniya ang kaniyang kapatid at magulang na nakatingin sa kaniya. Nakangiti sila pero alam niyang kakaiba ang ngiting 'yun. Nagtaka siya dahil pakiramdam niya may hindi sila sinasabi sa kaniya.
Umupo na siya at agad siyang dinaluhan ng ina. Ngumiti ito na nakapagpagaan ng loob niya. He loves his mother. Ang kaniyang ina ang pinakadahilan kaya gusto niyang gumaling mula sa sakit niya. Napayuko siya at nakalimutan niya na may sakit nga pala siya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ng kaniyang ina. Tumango lang siya at kumuha na ng pagkain.
Tahimik lang sila sa pagkain. Ramdam niya ang mga tingin nila dito na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. He sighed at binaba ang hawak na kutsara at tinidor. Tiningnan niya ang kaniyang magulang at ang kaniyang kapatid na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya.
"Bakit ganiyan kayo makatingin sa'kin?" He asked. Nagkatinginan ang tatlo at hindi alam ang sasabihin.
After a minute ay nagsalita na ang kaniyang ama.
"Wala ka bang naaalala sa nangyari, anak?" Kumunot ang noo niya at inalala kung ano ang sinasabi ng kaniyang ama. He shook his head at narinig niya ang kanilang pagbuntong hininga na para bang nakahinga rin ng maluwag.
"Ano po ba 'yun?" Umiling na lang ang kaniyang kapatid at tumahimik na ulit. Hindi niya na lang kinulit pa ang mga ito. Kung ayaw nilang sabihin, fine.
Pagdating sa room ay agad napansin ni Martelle si Aliza na mag-isa na nakaupo sa upuan. Wala siyang kausap at nakatulala lang ang dalaga. Akmang pupuntahan niya ito nang maalala ang sinabi ng babae.
"Ang totoo kasi, naiilang ako sa'yo. Hindi totoo na hindi ako naniniwala sa sinabi ni Denver, alam kong para 'yun sa akin kaya naiilang ako sa'yo at naisip na iwasan na lang kita. I'm sorry for that, Martelle."
Umiling na lang siya at iniwasan ang dalaga. Dumiretso na siya sa upuan at agad siyang sinalubong nang dalawa.
Napabuntong-hininga siya. Kahit kailan talaga, hindi ata matatahimik ang buhay niya dahil sa dalawang ito but still he's thankful since meron siyang kaibigan na katulad nila. Naging mabuting kaibigan ang dalawa sa kaniya. At kung papipiliin ulit siya ng kakaibiganin he won't hesitate at sina Denver at Jay pa rin ang pipiliin niya.
"Agang-aga nakasimangot ka ah! Problema mo 'tol?" Tanong ni Denver at paburong inakbayan si Martelle. Inalis niya 'yun at yumuko.
Nagkatinginan si Denver at Jay. Dati, talagang tahimik na ang kanilang kaibigan pero iba ang kaniyang pagkatahimik ngayon. Mararamdaman mo ang lungkot.
"Alam mo Martelle, mas nakakagaan ng loob ang pagsasabi ng nararamdaman. Hindi ka namin pinipilit sadyang pinipilit lang." Napatawa si Denver sa sinabi ni Jay. Hindi pa rin naimik si Martelle kaya natahimik na ang dalawa at hinayaan na lang ang kaibigan.
Nahihiya siyang sabihin sa dalawa ang kaniyang nararamdaman. Panigurado tutuksuhin lang siya ng mga ito kaya mabuti na lang na itago sa kaniyang sarili.
Lumipas ang buong araw niya na tahimik lang siya. Hindi siya kinukulit ng kaibigan niya na siyang ikinasalamat niya. Paminsan ay nasulyap siya kay Aliza at muntik na siyang malunok ang sariling laway nang makita na nakatingin ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman, matutuwa or what?
"Hey, lungkot natin ah!" Napatingin siya sa tumabi sa kaniya at nakita si Kris. Ilang araw niya na rin itong hindi nakita. Absent ito sa hindi malamang dahilan.
Hindi siya umimik. Pasikretong hiniling na sana hindi siya kulitin ng babae. Kasalukuyan kasi siyang nasa rooftop at nagpapahangin.
Ilang minuto ang lumipas at walang nagsasalita sa kaniya. Nagpasalamat siya dahil doon. Napatingin lang siya kay Kris nang gumalaw ito at akmang aalis. Hindi niya sana papansinin kaso may gusto siyang itanong.
"Kris.." Tawag niya dito. Napatigil naman ang dalaga pero hindi siya nilingon.
Nagh-hesitate siya kung magtatanong ba siya or hindi. Baka kasi sensitive pa ang dalaga sa topic na gusto niyang itanong. He sighed and decided to just shut his curiosity off.
"Ano 'yun?" Tanong nito na hindi lumilingon. Umiling na lang si Martelle as if makikita siya ni Kris.
"Wala.., huwag na pala." Sagot niya na lang at tinalikuran na ang dalaga.
Nakaramdam siya ng presensiya sa gilid niya at natagpuan si Kris na nakatingin sa kaniya at tinataasan siya ng kilay. Nakalimutan niya na matigas rin pala ang ulo ng isang 'to.
"Ano 'yun?"
Napangiwi siya sa tono ng pananalita nito. He gathered all the words na itatanong niya saka humarap sa dalaga.
"Diba sabi mo noon, nakikita mo ang kapatid mo sa akin?" Umpisa niya. Nakita niya kung paano bumaba ang nakataas na kilay ni Kris at kung paano lumambot ang expression ng mukha nito.
Nagsisi tuloy siya na tinanong niya pa 'yun. Nac-curious lang kasi siya at may gusto siyang malaman. Ilang minuto siyang naghintay bago siya napailing at humarap na ulit sa mga nagtataasang puno na nasa harap nila.
Akala niya ay hindi na magsasalita ang dalaga pero nagkamali siya. Ramdam niya ang longing sa boses nito. Ayaw niyang lingunin ang dalaga sa hindi malamang dahilan.
"Last year nawala ang kapatid ko. I love him, I really love him since he's the only brother that I have. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid at siya lang din ang nag-iisa kong kadamay. May magulang ako pero pakiramdam ko wala rin dahil lagi silang out of town for their business. At ang sakit, sobrang sakit nang malaman ko na may sakit siya na pilit niyang itinago sa akin."
Nilingon niya si Kris na ngayon ay namumula ang mata at ang ilong. Natingin ito sa taas para pigilan ang pagluha. Naaawa siya para sa sinapit nito. Hindi niya alam na sa kabila nang pagiging maangas nito ay isang malaking trahedya ang nangyari sa kaniya.
"Pakiramdam ko noon hindi niya ako pinagkakatiwalaan kaya hindi niya nagawang sabihin sa akin na may sakit siya at nang nalaman ko, huli na." May munting luha ang bumagsak sa pisngi nito. Agad naman pinunasan ng dalaga at natawa. "Napakawalang kwenta kong kapatid. May isang buwan ko nang alam pero hindi ko man lang nasabi sa magulang namin. At no'ng nawala na siya, doon ko lang naramdaman ang pagsisi. Sobra akong nagsisi, kung pwede ko lang ibalik ang oras, kasama ko pa rin kaya siya ngayon?"
Tumingin ito kay Martelle at napayuko. Nang mag-angat siya ng tingin ay ngumiti ito na hindi niya inaasahan.
"Kaya nga nainis ako sa'yo noon e. Please don't be coward, kung natatakot ka sa maaari nilang sabihin, mas matakot sa maaari nilang maramdaman kapag hindi mo sinabi sa kanila ang kalagayan mo. You're lucky you got friends who will always be with you. You have your parents who care for you. Forget the what ifs and spend time with them dahil hindi natin hawak ang oras, bawat segundo na lumilipas ay importante at sa'yo na nakadepende kung sasayangin mo ito o hindi."
***
YOU ARE READING
Heartbeats
Short StoryMartelle Alonzo was the type of guy who always frown and smiling was never a part of his dictionary. Not until he found out a secret that will turn his world upside down. HEARTBEATS | 12-21-17 A short story dedicated to my friend. @eifell_smith