CHAPTER 2 - Punishment

7K 223 6
                                    

MESSIAH/MESI POV

'Ding dong' Ding dong' Ding dong' putcha ingay naman sino naman kaya yon? kung makapindot ng door bell parang sisirain pa ata. Kaaga-aga nanggigising. Tsk


Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na. Nakita kong madaming miss call, galing lahat kay Butler Walter na hindi ko na nasagot kagabi.


"Shhh ano ba yan alas syete palang ng umaga nambubulabog na agad dito sa bahay ko, naudlot pa tuloy ang tulog ko ah." inis na naghahanda na kong tumayo sa napakasarap na kama ko.


Pero ang bwusit sa may pinto tuloy-tuloy pa rin sa pagpipindot ng doorbell. Pinuntahan ko na lang sya at pinagbuksan kung sino naman ang taong toh.


Nakakunot-noo kong sinamaan ng tingin ang tao sa labas. "Letche Butler Walter ano na naman ba ang ginagawa mo dito? diba busy ka pa sa inaayos mong, ano nga yun basta kung ano man mga business ang ginagawa mo, bakit ka ba kasi nandito kaaga-aga nakakasira ka na ng araw ko!" Sinigawan ko sya bigla, badmood eh ayaw ko pa naman yung naiistorbo tulog ko lalo't pa napaka-aga pa.😡


Tinignan ko ulit si Butler Walter na nakapasok na pala ng pinto hindi man lang bumati ng good morning at para bang hindi naapektuhan sa pagkabunganga ko sa kanya ah.


Ano kaya inalmusal nito hindi namamansin ah. Bakit kaya naging seryoso sya bigla ngayon may problema kaya tong butler ko nakapagtataka talaga.😧


"Ano na Butler Walter! ano kailangan mo at nag-aksaya ka pa talaga ng oras para bumisita dito ha!" Demanding na tanong ko dito nacucurious na kasi ako sa sasabihin ng matandang toh eh. Ang bagal pa magsalita nakakainis kinakabahan tuloy ako sa ibabalita nito.


"Master Messiah,  I'm here because of your grandfather pinapatawag po kayo sa mansyon ngayon." seryosong pagkakasabi nya sakin.


Bakit naman kaya ako pinapatawag ng lolo ko este ni tanda. Matagal-tagal na rin kasi ang huling punta ko doon samin limang buwan na rin ata nun. Umalis ako sa mansyon na pag-aari ni tanda/ lolo ko dahil ayaw kong makita nila ang pagbabago ng ugali ko baka pagalitan pa ko kaya lumayas na lang ako at bumili ng sariling bahay na tinitirhan ko ngayon.


"Bakit naman ako pinapatawag ni tanda? Ano nanaman sasabihin nun sakin, bakit hindi na lang sya tumawag at kailangan ko pang pumunta don." napaka-arte naman kasi ng matandang lolo ko gusto pa ng face to face para makapag-usap hayyy naku.😕


"Hindi ko po alam Master, ang alam ko lang po importante ang sasabihin sa inyo ng grandfather nyo po"


"Fine... wala naman ako mgagawa. Hintayin mo na lang ako dyan maghahanda lang ako." Umakyat ulit ako ng kwarto ng makapaligo't makapagbihis na.


Pagkatapos kong magbihis tinignan ko muna sarili ko sa salamin.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon