CHAPTER 12 - Please Help

4.6K 194 20
                                    

Angelica Jane POV

Bored akong naghihintay kay Ate Carla dito sa labas ng pinto habang sya masayang nakikipag-usap kay Calvin. Hindi naman nakakapagtaka dahil normal lang yan tuwing nagkikita sila.


Matagal na kasi silang magkaibigan at ang nakakatawa muntik pa ngang magconfess si ate Carla kay Calvin,  pero bago pa nya iyon magawa nakita nyang may kahalikan si Calvin sa isang gaybar na isang lalaki rin. So ang ending na heartbroken 💔 sya sa first love nya nang malaman na bakla pala si Calvin. Thanks god na rin dahil nanatili pa rin silang magbestfriends at hindi nagkahiyaan sa isa't isa.


"Bye na Calvin next time na lang tayo magkwentuhan ulit masyado kasing atat itong si bata umuwi, sige na paalam na sayo."nagwawave na pakaway-kaway 🙋 ni ate Carla kay Calvin. Nauna na kong umalis hindi na rin ako nagpalit pa ng damit inabangan ko na lang sya sa may elevator.


"Wait lang bata hindi mo man lang ako inantay dami ko pa naman dalahin na pawang mga damit mo lang jusko ang bigat." nag-iinarteng wika nya habang pinupunasan yung mga pawis nya sa noo.


"Ang bagal mo kasi nakakakipagharutan ka pa kay Calvin na alam mo naman na wala kang pag-asa don." pag-explain ko. Dumiretso na kami sa elevator and marami na rin mga nakasakay na mga employee.


"Hehe ganun lang talaga kami bata masanay ka na samin hihi." pakamot-kamot ni ate Carla sa batok nya.


Hindi ko na nadinig ang sinabi nya dahil dito sa mga kasama namin sa loob, sa lakas ba naman ng boses nila. Daming alam na tsismis ng mga ito rinig ko pa na about sa boss nila yung topic nilang lahat.


"Tol nakita mo ba si Ma'am Ferrar kanina sobrang ganda nya natulala pa nga ako nung nakita ko sya." Boy 1.


"Oo naman lumapit pa nga ko sa kanya at pre masasabi ko lang first time kong makakita ng anghel kagaya nya wish ko lang na sana maangkin ko sya." Boy 2. Kita ko na may tulo laway pa sya habang nag-iimagine pa si kuya.


"Alam nyo pre ang swerte natin dahil balita ko bibihira lang magpakita si Ma'am Ferrar sa mga ordinaryong tao kagaya natin." Boy 3.


"Tama ka dyan kaya nga nung nasulyap ko sya minimemorize ko na yung sexy nyang katawan." Boy 1


"Hoy mga manyak huwag nyo ngang manyakan si Ma'am kapag kayo narinig nya sure na papatalsikin kayo sa trabaho nyo dito." banta ni Girl 1.


"Yeah strict pa naman si Ma'am Ferrar na CEO ng hotel na toh." tukoy ni Girl 2.


Nakita kong naghands up 🙌 na lang yung dalawang guy sa sinabi nung mga babae sa kanila. Pagdating ng 5th floor sabay-sabay na silang nagsialisan kaya kami na lang ni ate Carla ngayon sa elavator. Nacurious naman ako sa pinag-usapan nila so nagtanong ako kay ate.


"Ate Carla sino yung Ferrar na tinutukoy nila kanina." kunot-noo kong question.


Gulat naman nya kong sinulyapan.
"Seriously hindi mo sya kilala My Gosh bata nasa field pa naman ng family nyo ang pagbbusiness tapos wala kang idea kung sino sya." nag-iinarteng saad nya. Aba't pinamumukha pa ko nitong tanga sa sinabi nya. Wala lang ako paki sa mga ganyan kahit na business course ang tinatake ko ngayon.


"Hoy ate sagutin mo na lang tanong ko sayo dami mo pang satsat dyan." mataray kong sagot.


"Okie doki 👌 baka mahighblood ka na naman at bago mo pa ko bugahin ng apoy kaya sasabihin ko na yung mga alam ko hehe." nagbuntong hininga na lang ako sa pagkaisip bata nya talaga.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon