CHAPTER 11 - Photoshoot

5K 195 9
                                    

Angelica Jane POV

"Ma'am Angelica nandito po si Sir Lars sa sala hinahanap po kayo." tawag ni yaya sakin sa labas ng pinto ng kwarto ko. Ano naman kaya kailangan nung lalaking na yon at naisipan pang bumisita ng ganitong kaaga.


Inayos ko muna yung mga gamit ko para sa gaganaping photoshoot ko mamaya. Bago ako lumabas tumingin ako saglit sa salamin para tignan yung mukha ko. Ngumiti ako habang hinahawakan ko ang aking pisngi dahil wala ng ni bakas ng scratch or sugat tulad lang nung kahapon.


Buti na lang sinubukan kong gamitin yung binigay sakin na ointment cream medicine. Sa simula pa nga ayaw ko pang itry kasi naman hindi ko kilala yung taong nagbigay sakin nito kahapon nung nasa music room at nagpapractice ng song ko. At baka kung ano pang maging resulta ng pagpahid ko nito sa mukha ko.


Pero naisipan ko rin na baka naman totoo yung nakasulat sa note nya na half days lang daw gagalingan na agad sugat ko kaya naniwala naman ako, no choice rin naman kasi kailangan maayos ang buo kong itsura para sa schedule ko ngayong sabado.


Kaya nung paggising ko kanina nagulat ako sa resulta para bang hindi ako nagkaroon ng mga sugat sa mukha dahil don sa gamot. Salamat na lang sa taong nagbigay nito sakin.


Lumapit ako sa may table at kinuha ko yung note na itinabi ko rito kagabi. Habang pinagmamasdan ko ito namamangha pa rin ako sa pagdrawing nya ng angel sa may dulo ng papel napakaganda at perfect kasi ng pagkaka sketch nya dito.


Itinabi ko muna sa drawer ko yung papel bilang remembrance na rin at saka lumabas na ng kwarto.


Pagbaba ko ng hagdan bumungad agad sa harapan ko si Lars na may dalang flowers. Nakakunot-noo ko syang tinitignan ngayon wala naman kasi kaming usapan na magkikita kami.


"Lars ano ginagawa mo dito sa bahay namin ng ganitong kaaga ha!" nakacrossed arm kong pagsusungit sa kanya. Inabot ni Lars yung hawak nyang bouquet of red roses.


 Inabot ni Lars yung hawak nyang bouquet of red roses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Here for you babe mahal pagkakabili ko dyan." nakangisi 😏 nyang sabi. Walang gana kong kinuha sakanya itong sobrang pulang roses.


Tinignan ko lang ito at wala kong emotion 😐 na binigay kay yaya. Red roses binigay nya eh hindi ko naman gusto yung ganung kulay kung pink pa yan maappreciate ko pa.


"Lars kung wala kang matinong sasabihin sakin pwede lumayas ka na lang sa pamamahay ko." mataray kong wika .


"Babe naman masama bang dalawin sarili kong girlfriend matagal-tagal na kasi tayong hindi nakakapag-bonding dahil na rin sa mga tight schedule nating dalawa." pagrarason ni Lars. Kung alam lang nya na talagang iniiwasan ko na sya at may balak na kong makipaghiwalay sa kanya.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon