CHAPTER 36 - Moving House

7.3K 320 210
                                    

Angelica Jane POV

"Hindi po ba talaga ako pwede sumama sa inyo Mommy? Hindi muna ako papasok ngayong araw para masamahan ko kayo sa hospital." sabi ko.


Nasa may living room kami at inaantay na lang ni Mommy si Dad bumaba ng hagdan dala mga bagahe nila bago sila umalis. Meron silang importanteng pupuntahan.


Nasabi kasi nila na pupunta sila sa hospital para magpagamot. Hindi ko lang alam kung saan hospital sila magpapatherapy. Hindi rin kasi nila sinasagot tanong ko tuwing tinatanong ko sila.


Wala akong idea kung bakit pa nila sinisikreto yon. Pangalan lang naman gusto kong malaman. Hindi pa nila sabihin sakin. Nakakapagtaka lang.


"Angelica anak huwag na, okay lang kami ng Dad mo. At isa pa kailangan mong umattend sa klase mo." sagot ni Mommy.


"Then can you tell me kung saan kayo mamalagi nang mabisita ko po kayo." I pleaded asked her.


Kasabay ng pagpapagamot ng magulang ko ay pag-alis nila sa mansion. Dahilan nila para hindi na sila mahirapan pa bumyahe sa pabalik-balik nila pagpunta sa hospital.


Una umangal ako dahil hindi ko sila makakasama sa bahay. Maiiwan na ko mag-isa sa mansion. Bukod sa mga katulong ko wala na kong kasama.


Si Lola Cecilia kasi magbabakasyon sa probinsya. Bibisitahin nya mga kamag-anak namin don. Matagal na rin ng huli syang nakadalaw kaya naisipan ni Lola mangamusta.


Hindi ko alam kung sinadya ba nila yon oh ano. Iniwan daw ba ako dito. Nakakalungkot lang. Natapos na nga problema namin sa kompanya, ito naman may panibago ulit.


I sighed.


"Please understand Angelica. Kahit gusto namin sabihin sayo para makabisita ka samin hindi talaga pwede." malungkot na sabi ni Mommy.


"But why?! Ano naman masama kung malaman ko. Please Mom I just wanna visit you and Dad, nag-alala lang ako sa inyo." pangungulit ko kay Mommy.


Hindi ako makapakali hanggang hindi ko alam kung saan sila pupunta para magpagaling.


"I'm sorry anak. Kondisyon ito ng taong tutulong samin ng Dad mo. Sya rin ang may-ari ng hospital at hotel na tutuluyan namin." sabi nya.


"Pero.... -" Naputol ang sasabihin ko nang dumating na si Dad. Kakababa palang nya at hila nya yung mga maleta nila ni Mommy.


Nagulat pa ko ng nakita kong kasama don yung pink na maleta ko. Napaisip ako. 'Pumapayag na kaya sila na sumama ako sa kanila?' I thought.


Tinignan ko ulit si Dad na binigay nya kay Manong Kanor at isa pa naming katulong yung gamit nila ng maipasok na sa kotse. Pero yung akin iniwan hindi sinabay dalhin.


Ano naman pakulo toh. Bakit pakiramdam ko may pinaplano si Dad. Naguguluhan ako. Walang sabi na pinaimpake gamit ko tapos hindi naman nila isasama sa kotse nila.


Sa malalim ko pag-iisip hindi ko napansin na nagsalita si Dad at kinakausap ako ng seryoso nyang mukha.


"Angelica nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" nakakunot nyang tanong nang napansin ni Dad na hindi ako nakikinig sa kanya.


"Ah Y-yes Dad." napatango na lang ko bigla. Kahit ni isang detalye sa sinabi nya sakin wala akong narinig.


"So pumapayag ka na, mabuti naman." patango nyang tugon. "Tatawagin ko na lang sya mamaya para sunduin ka nya sa bago mong lilipatan." nakangiti si Dad na pawang natutuwa na pumayag ako sa kanya.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon