CHAPTER 26 - Sick

4.7K 225 40
                                    

Angelica Jane POV

Alas-syete na ng gabi ako nakarating sa mansion namin pagkatapos ng lahat ng schedule ko ngayong araw. At dahil na rin sa kapaguran sa trabaho ko mukang lalagnatin na naman ako.


Matamlay akong bumaba sa kotse ni Ate Carla pagkahatid nya sakin sa tapat ng gate.


"Take rest Angelica. Huwag ka munang magprapractice or gagawa ng mabibigat baka mabinat ka pa nyan." Ate Carla said in concern tone.

Wala sa sariling tumango ako sa kanya at sinara na yung pinto ng sasakyan nya. Pagkakita palang sakin ni Manong guard agad nya kong pinagbuksan ng gate.


Napansin ko rin na may tatlong hindi ko kilalang kotseng nakaparada sa garahe namin.


'Sino naman kaya mga may may-ari non? Sa pagkakaalam ko kasi wala naman kaming inaasahan na bisita.' isip ko.


Matanong na lang kila Mommy pagpasok ko. Habang naglalakad ako sa hallway nadatnan ko si lola sa living room na may inaayos sya na papeles. At sa tingin ko about sa business inaasikaso nya.


Malungkot ko syang pinagmamasdan dahil pati si lola namomoblema sa nangyayari sa company namin. Nakikitulong rin sya para marisolba ang problema ng pamilya. Habang ako wala naman akong magawa para matulungan sila.


Then she noticed me. At agad na iniwan yung ginagawa nya at tumayo palapit sakin. "Jane Apo nandito ka na pala. Pasensya na hindi ko napansin na nakauwi ka na. Masyado kasi busy ngayon sa company natin."


"Naiintindihan ko po lola. Kakadating ko rin naman po eh."


Ngumiti sya. "Kumain ka na ba?" umiling ako. "Teka lang ipaghahanda kita ng makakain mo." Pupunta na sana sya sa kusina ng pinigilan ko sya.


"Huwag na po lola. Wala po akong gana, magpapahinga po muna ako sa kwarto ko."


Masama talaga pakiramdam ko. Hirap din akong kumilos, gusto ko ng matulog.


"May sakit ka ba?" sabay salat ni lola sa noo ko. "Ang init mo apo ang taas ng lagnat mo ah. Papatawagin ko si Doc. Ramirez para matignan ka."


"Hindi na po kailangan lola. Wala po toh, iinum na lang po ako ng gamot." pampalubang loob na sabi ko sa kanya. Muka kasing sobrang nag-aalala si lola sakin.


"Kung ganun sige magdadala ako ng medicine mo sa kwarto mo para bumaba lagnat mo apo." Tumango ako.


Dumiretso na ko papunta sa room ko. Binaba ko na gamit ko at hindi na ko nag-abalang magpalit pa ng damit dahil wala na talaga akong lakas kumilos pa. Nanghihinang humiga na ko sa kama. Pinagpapawisan pa rin ako kahit may aircon dito.


Hindi sana ako magkakaganito kung hindi ko naiwan kanina sa waiting room yung pills 💊 na binigay sakin ni nerd. Hinabilinan pa naman nya ko na itake yung gamot nya para tuluyang gumaling na ko.


Pumikit ako at inaalala yung nangyari nung kasama ko si nerd kanina sa Utopia. Hindi ko namalayan na napangiti ako. First time kasing nagkaroon kami ng matinong usapan. At hindi nag-aaway.


Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi sa kanya mga problema ko. Kahit nga sa mga kaibigan ko tinatago ko ito. Ayaw ko kasing ipakita sa kanila na mahina ako sa panlabas na salungat sa kilalang ugali ko na confident, matapang at walang hinding sinusukuan.


Nagbuntong hininga ako nang naalala kong nakita ako ni nerd na umiiyak. Baka sabihin nya pa na iyakin ako sa ginawa ko. Pero kahit ganun gumaan ang pakiramdam ko ng kinomfort nya ko at yinakap. Feeling ko non safe ako at walang mangyayaring masama sakin kapag kasama ko sya.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon