CHAPTER 29 - Thank You

5K 231 52
                                    

Angelica Jane POV

Nagdridrive ako ngayon with my lovely pink car papunta sa school. But before ako pumasok. Dadaan muna ko saglit sa isang restaurant para bumili ng makakain. Hindi na kasi ako nag-almusal samin dahil kapag kumain pa ko baka malate na ko sa klase. Natanghali kasi ako ng gising kanina tapos yung mga magulang ko maagang umalis kaya walang nanggising sakin.


Nung mga nakaraang araw pansin ko rin sa kanila na mas lalo silang naging busy. Naiintindihan ko naman yon dahil meron silang importanteng tao na kailangan paghandaan sa darating na Sabado. Si Ferrar.


Yes sya nga ang CEO ng pinakamalaking kompanya dito sa bansa.


Maganda naging kinalabasan nung kinontact nila si Ferrar gamit yung binigay kong business card kay Dad. At nais daw nito na makausap ng personal sila Dad at Mommy para makapagbigay sila ng presentation bago sya pumayag sa kasunduan.


Nakasalalay rin ang pag-uusap nila sa future ng company namin. Kung magiging maayos ang resulta, hindi na mamomoblema masyado ang parents ko sa nagbabandyang pagkalugi ng lahat ng mga negosyo namin. Pinagdadasal ko na lang sana na sumang-ayon samin si Ferrar at matulungan kami.


Pagkarating ko sa restaurant. Pinarada ko na kotse ko saka ako bumaba.


Nagsuot rin ako ng black sunglasses pangdisguise ko na rin sakaling may makakilala sakin. Mahirap na baka pagkaguluhan pa ko dito. Wala pa naman akong bodyguard para prumotekta sakin sa mga nakakalat na paparazzi sa paligid.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Palakad na ko papasok nang napahinto ako at nahagilap ko ng tingin yung isang babaing nakatayo sa labas ng resto. Hindi ko masyadong maaninag mukha nya dahil nakaside view sya pero parang nakikilala ko sya.


Marahan akong lumapit sa kanya habang sya ay nakayuko pa rin sa kinatatayuan nya. Pansin ko rin na pinagtitinginan rin sya ng mga dumadaan at lahat sila hindi nila maiwasan mapalingon sa babaing toh. Kagaya ko lang.


Mga limang hakbang na lang ang pagitan namin at mukang hindi pa ko napapansin nito. Tinitigan ko itsura nya at hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito.


Napatulala na lang ako and at the same time blinking my eyes nang makilala ko kung sino ito. Si Nerd/Mesi.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon