CHAPTER 5 - Escape

5K 203 15
                                    

Angelica Jane POV

"Yes boss nakuha na po namin sila okay na po ang lahat, malapit lapit na rin po kami sa kampo natraffic lang kami boss kanina." dinig kong sabi ng lalaki sa kausap nya sa cellphone.


Nagising ako sa ingay habang inaalala kung ano ba ang nangyari. 'Oh I remember na kinidnap lang naman pala kami ng mga ito.' sabi ko sa isip.


Nagpapanggap pa rin akong tulog para hindi nila mapansin na gising na ko. Buti na lang katabi ko si Mommy dito sa loob ng van na wala pa rin malay. Binilang ko ang mga lalaking nakabantay samin, apat lang sila. Dalawa nasa unahan at yung natitira nasa kabilaan namin ni Mommy.


"Ano daw sabi ni Boss tapos na ba nya patahimikin yung driver nila." tanong ng katabi ko sa kumausap sa tumawag. 'What sinaktan nila si Mang Kanor sana ok lang sya.' isip ko.


"Tinatanong mo pa obvious naman si boss yun eh" proud na proud na pagkakasabi nya. "Kaya dapat mabantayan natin ng mabuti yang mga bihag natin kundi malalagot tayo sa kanya."


"Wala naman tayo dapat ikabahala dyan mga babae lang toh oh tignan mo mga tulog walang kaalam-alam sa mga mangyayari sa kanila haha" tawang ala-demonyo 👹 ng katabi ko.


"At pwede kaya na hiramin ko muna tong isa bibihira lang kasi ako makatikim ng isang artista ang ganda nya talaga ng personal." sabay hawak nya sa pisngi ko inaamoy-amoy pa ko ng manyak kadiri baho ng hininga nya yuckk. Nagpipigil akong sampalin sya dahil sa paghaplos nya sa maganda kong face.


"Tumigil ka nga dyan mayayari tayo kay boss kapag napano yan." singit na sabi ng driver sa kanya.


"Fine, fine wala na kong gagawin masyado naman kayo mga loyal kay boss." taas ng dalawa nyang kamay.


"Hey pwede huminto ka muna dyan sa may tabi jijingle lang ako kanina pa kasi ako nagpipigil dito." utos ng lalaking nasa tabi ng Mommy ko. Parang kiti-kita sa likot nya.


"Pigilan mo muna yan malapit na tayo baka hanapin tayo ni boss pag sila pa nauna sa kampo."


"Hindi ko na kaya baka maihi pa ko dito ikaw din madudumihan ko van mo." rinig kong sagot nya sa driver.


"Ok bilisan mo dami mo pang dahilan dyan." inistop na nya ang van sa may gilid. Sinilip ko kung nasan na kami ngunit hindi ko alam kung nasan na kami. Madilim sa paligid at mukhang walang katao-tao.


"Wait sasama ako sayo magbabawas rin ako." habol na sabi ng katabi ko. Lumabas na rin sya at naiwan nakabukas ang pinto sa pagkababa nya.


'Pagkakataon na namin toh makatakas' dahan dahan kong ginigising si Mommy tila hindi naman ako napapansin ng dalawa sa may harapan busy kasi sila kapapakinggan sa radyo.


"Mommy gising na please" mahina kong sabi sa kanya. Unti-unti na rin sya nagigising. "Shhh wag po kayo maingay Mommy nasa van pa rin po tayo kailangan na po nating tumakas pagbilang ko po ng tatlo takbo agad tayo sa nakabukas na pinto." bulong ko at sabay turo sa tatakbuhan namin.


Tumango na lang si Mommy halatang kinakabahan. Kaya bilang anak nya need kong maging malakas sa pagkakataon na toh para na rin masuklian ko ang binigay nyang pagmamahal sakin.


Nagbigay na ko ng senyas kay Mommy. Hinila ko na ang kamay nya palabas sa van. Narinig ko pa ang mga boses ng mga lalaking kumidnap samin. Hindi na ako lumingon at mabilis na tumakbo habang hawak ko pa rin ang kamay ni Mommy.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon