CHAPTER 27 - Trouble

4.8K 228 77
                                    

Third Person POV

Tahimik na nag-aalmusal ang pamilyang Austen sa kanilang mansion pwera lang kay Angelica na hindi pa lumalabas sa kanyang kwarto.


Binaba ni William yung binabasa nyang dyaryo saka tumingin kay Stella at nagtanong. "Stella hindi ba sasabay satin ang anak mo. Pasado alas syete na at mukang wala pa syang balak pumasok sa school." seryosong pagkakasabi ni William.


Nag-angat ng tingin si Stella sa kanyang asawa. "Hindi ko muna sya pinapasok ngayong araw. Kakagaling lang kasi nya sa sakit kaya hinayaan ko muna syang magpahinga."


"Magaling na ba sya?" He out of nowhere asked.


"Maganda na kondisyon ni Angelica at mabilis na nawala lagnat nya kagabi." sagot ni Stella.


Tumango lang si William sa narinig at bumalik ulit sya sa pagbabasa ng dyaryo.


Hindi halata pero mahal ni William ang kanyang anak kahit na lagi nya itong pinapagalitan at laging strikto ang pakikitungo nya dito. Hindi lang nya ito pinapakita pero gagawin nya ang lahat para maalagaan at maprotektahan si Angelica.


Hindi nga matatawag na mabuting ama si William pero kapakanan lang ng anak nya ang palaging iniisip nito.


Nakuha ang attention nila nang nagsalita yung isa nilang katulong na kagagaling sa paglilinis.


"Sir, Ma'am sa inyo po ba toh?" sabay pakita ng maid sa hawak nyang lukot na papel.


"Napulot ko po ito nang naglilinis ako kanina." patuloy na sabi ng katulong.


Sabay-sabay nilang tinignan yung papel. "Diba iyan yung binigay ni Jane sayo William." nang makita at mapansin ni Lola Cecilia. Kinuha nya ito mula sa katulong nila.


Pinagmasdan ng mabuti ni Lola Cecilia ngayon yung papel na hawak nya saka binasa. "Business card toh ah. Bakit may ganito ang apo ko?" nagtatakang sabi nya.


"Business card ba kamo Nay?" William asked.


"Oo tignan mo oh, may nakaprint pa na pangalan na Ferrar."


"Ferrar? Hindi ba sya yung CEO ng Crown Towers Perth." wika ni Stella.


"Yes, sya nga." Lola Cecilia answered.

Nacurious si William kaya kinuha nya sa Nanay nya yung business card at sya mismo ang sumuri.


Kunot-noo nya itong tinignan. Tama. Si Ferrar nga ang may-ari nito. One of the famous businessman in the world. She's also the most richest women in all Asia.


Owner ng Crown Towers Perth, ang kompanyang hindi lang mga sikat na hotel ang minamanage pati rin mga naglalakihang mall, restaurant, resort at ibp.


'Paano at saan nakuha ni Angelica itong business card ni Ferrar?' naguguluhang tanong sa isip ni William.


Napakamisteryo kasi ni Ferrar. Mga kilalang personalidad lang ang may alam sa totoong identity nya.


"Hindi kaya ayan yung gustong ipakita ng apo ko satin kagabi kaso lang hindi mo sya binigyan ng pagkakataon at basta mo na lang yan tinapon William." Lola Cecilia pointed out.


Hindi nagsalita si William sa sinabi ng Nanay nya. Alam naman nya na mali yung ginawa nya kagabi.


"Baka makatulong satin yan kapag kinontact natin si Ferrar at magtry tayong magbigay ng business proposal sa kanya." pagbigay ng idea ni Stella sa asawa nya.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon