CHAPTER 16 - Lars Motive

4.7K 211 42
                                    

Angelica Jane POV

"Uyy best nandyan na naman si cutey nerd sa labas ng classroom natin oh." turo ni Kris sa labas kung nasan si nerd na nag-aabang na naman para lang kulitin akong itutor nya.


"Hayaan mo sya dyan wag nyo na lang pansinin, aalis din yan." walang emosyon kong sagot.


Hanggang labas lang naman si nerd dahil patakaran ng University bawal pumasok ng classroom ang mga tagalabas or sa madaling salita yung mga hindi kasama sa klase ng subject namin.


Wednesday na at pangatlong araw na din ng magsimula syang bumuntot sakin. Kung dati-rati ako yung laging naghahanap sa kanya sa buong campus ngayon bumaligtad na, si nerd na ang palaging sumusunod sakin para lang kumbinsihin akong turuan nya. And sa totoo lang nakakairita na ang ginagawa nya para tuloy syang stalker sa lagay nya ngayon.


Masyadong syang masunurin na aso kay Dad hindi pa rin sumusuko sa ipinag-utos sa kanya, kahit na pinapabully ko na si nerd kay Damon at sa mga katropa nito pero nakakayanan pa rin nyang lagpasan. Hindi ko nga malaman kung pano nya natatakasan sila Damon tuwing nagkikita sila. Hm siguro pinaglihi talaga sa daga tong si nerd, galing lumusot sa pinagtataguan nya eh.


"Angelica bakit ayaw mo pang pumayag at balita ko pa nakaperfect score daw sya sa entrance exam natin kaya sure na matutulungan ka nya sa mga math subject mo." - Vivianne asked.


"Edi ikaw na lang kaya magpatutor sa kanya Vivianne mukang interesado ka naman sa nerd na yon." masungit kong sagot.


Nakakainis kasing tong kaibigan ko laging nagpapansin kay nerd tulad lang nung kahapon. Feeling friends agad silang dalawa sa nakita ko kaasar lang hmp 😡.


"Woah best kaaga-aga nagsusungit ka naman dyan, meron ka ulit siguro noh." pang-aasar na sambit ni Kris. Pinanlakihan ko sya ng mata.
"And best umuo ka na lang kay cutey nerd para hindi ka na rin mahirapan pa ikaw rin." patuloy nyang sabi. Isa pa toh


"Hindi ko kayo maintindihan ano ba meron kay nerd at gustong-gusto nyo sya ha!?." Out of the blue kong tanong sa kanila.


"Well first of all she's cute." tatangong wika ni Kris.


"Mabait, masayang kasama." second demotion ni Vivianne.


"Mysterious." come voice of Megan. Nagtataka kaming tatlo napatingin kay Megan.


"Baby Megan bakit naman mysterious pagkakilala mo kay cutey nerd." pahawak-hawak pa sa baba si Kris kala mo naman nag-iisip.


"Hmm it's just what I see from her looks kaya ko nasabi yon." simpleng sagot nya. Nagtataka akong nakatitig kay Megan sa sinabi nya 😕.


'Mysterious ha! hmm parang wala naman ako napapansin bukod na isa lang syang cheap at dugyot na nerd.' I thought to myself.


"Uy best hello best yoo hoo!" pagpitik ni Kris sa noo ko napahawak tuloy ako sa sakit tinaasan ko sya ng kilay, hindi nakakatuwa ginawa nya ha.


"Hayy nagising ka rin mula sa pagkatulala mo kanina pa ko dito nagsasalita hindi ka man lang nakikinig kainis ka best." pagmamaktol nya.


I rolled my eyes at her 😒 "Arte mo Kris ano ba sasabihin mo ha!" I asked annoyed. Kita kong may nginuso sya patungo don sa labas.


Kunot-noo kong tinignan yung taong tinuro ni Kris at walang iba lang naman kundi si nerd, may kausap syang isang maliit na babae. Halatang masaya silang nag-uusap panay pa palo nung unano sa likuran ni nerd na ikinatawa lang nya.


My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon