CHAPTER 22 - Ed Sheeran?

4.8K 208 9
                                    

Messiah/Mesi POV

Sunday ng umaga pinatawag ko agad dito sa apartment ko si Butler Walter para kausapin at magpakonsulta sa bagong lumabas na kapangyarihan ko kahapon lang. Maraming syang pinayo sakin na ikakabuti at ikakasama rin ng katawan ko kapag madalas kong ginamit powers ko.


He said while I'm still not in right age to use it, maaring may mangyari masama sakin. Like yesterday ng biglang sumikip ang dibdib ko sa unang pagkakataon. Hinabilin rin nya na hanggang tatlong beses ko lang pwedeng magteleport at kung sumobra pa, malaki raw ang posibilidad na umistop ang heartbeat ng puso ko sa strain na hindi makayanan ng katawan ko na magiging dahilan para ikamatay ko rin.


When I heard what he said I feel scared. Hindi ko inaakala na ganito epekto mangyayari na may kapalit din pala itong kakayahan ko. Hindi lang basta-bastang libre at ikakatuwa mo kapag may kapangyarihan ka. It takes a big cost, so kailangan ko talagang limitahin ang sarili ko.


I will only use it kapag wala na talaga akong magagawa pa at kung nasa kapahamakan na ang buhay ko. And also at the same time if Angelica in dangerous situation. She's in my care now and my responsibility so I need to protect her. I don't know nga lang kung makakaya ko syang habang buhay protektahan.


Hanggang hindi pa ako nakakapagdesisyon, ang alam ko lang she needs me this time lalo pa na may mga taong nagtatangkang saktan sya at sa buong pamilya nya.


Inisip ko na lang na apat na buwan lang naman ang ititiis ko dito bago ako bumalik kay tanda sa America.


January 1st was my birthday at ganap na 18th years old na ko. At ibig sabihin lang din non I'm fully transform na sa araw na yon sa pagiging fallen angel ko.


Marami syang dapat sagutin sa mga katanungan ko. Ang una na don ay tungkol sa pagkatao ko. I need a full details like sa whole history ng family namin kung bakit, papaano at saan talaga kami nanggaling para mapadpad dito sa mundo ng mga mortal.


Maraming tanong na gumugulo sa isip ko ngayon. Just like, alam rin kaya ni Mommy yung tinatagong sikreto ng pamilya namin? Katulad din kaya sya samin? At si Dad bakit hindi man lang sya pinapabalik ni tanda sa mansion para gawing tagapagmana nya. Nag-iisang anak naman nya ito kaya si Dad pa nga dapat ang may karapatan kaysa sakin na apo lang nya. Hindi ko talaga alam takbo ng utak ni tanda kung bakit ako pa pinili nya, na mamumuno sa lahat ng mga maiiwan nyang negosyo at iba pang ari-arian ng mga Sears.


Nakakasakit lang ng ulo kakaintindi ko sa mga tanong ko. Tapos hindi rin naman masasagot ni Butler Walter dahil may limitasyon lang alam nya kahit na matagal na syang nagtatrabaho samin. Nakakainis lang kapag wala kang alam sa sarili mo at pati sa sarili mong pamilya.


Nang matapos na kami ni Butler Walter mag-usap tumayo na sya upang magpaalam na. "Master Messiah mauuna na ko kapag may kailangan pa kayo tawagan nyo na lang ako." He said. Walang gana akong tumango sa kinauupuan ko.


Binuksan nya na yung pinto pero bago nya isara tumingin sya ulit sakin saka humirit pa. "Master basta tandaan nyo po huwag nyong dalasan paggamit ng kapangyarihan nyo. Just call me if you need help and I will do my best to serve you."

My Guardian Angel, Protect Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon