Chapter 25

3.4K 104 37
                                    

Louis' POV


"Chuchay, can I ask you?" biglang tanong ni Greco sa akin. Kasalukuyan parin kaming kumakain dito sa party.

"Oo naman. Ano ba yang itatanong mo?" nakitingin lang ito sa akin at medyo naiilang ako sa pagkakatitig niya.

"Di ka manlang ba magrereact sa engagement natin?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba dapat ang irereact ko?

"Huh?! Kelangan ba yun? Ano ba dapat ang reaction ko? Kelangan bang malungkot dapat? O kaya masaya? O kaya galit? O kaya magdarama? O kaya..." pinutol niya ang pagsasalita ko.

"No. That's not what I mean. Di ka manlang ba tututol or something?" tanong niya. Napa-isip naman ako dahil sa sinabi niya. Ang pagkakaalam ko kasi ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang ito ng lalaki at babae at tsaka para lang sa mga nagmamahalan yun. Siguro pwede na ngayon ang ganon, di lang ako updated and si Papa na ang nagdecide. Ano pa nga ba ang magagawa ko eh si Papa na yun. Susundin ko na lamang ang gusto niya para di na kami magaway ulit.

"Hindi na ako tututol. Ok lang naman sa akin, kung ano gusto ni Papa eh sundin ko na lang. Baka mamaya magaway nanaman kami. Tsaka pwede ba yun, yung ikasal ka sa dalawang tao?" paliwanag ko kay Greco. Nakita ko namang kumunot ang noo niya at tila nagtataka.

"What do you mean by ikasal sa dalawa?" he ask. OMG! Nasabi ko ba? Naku lagot na ako kay papa.

"Ahh.. ehh.. Ano. A-ano kasi. Ahm" nakakaloka ano bang idadahilan ko.

"Would mind sharing it to me?" taong niya ulit.

"Wag mong sasabihin sa iba ha! Atin-atin lang ito." Pabulong kong pagkasabi sa kanya baka may ibang makarinig mahirap na. Inlabas ko ang daliri kong may singsing at ipinakita ko sa kaniya. Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya.

"What's that?" tanong niya ulit. Hay naku! Engot pala itong lalaking ito eh. Kala ko ba nag-aaral siya. Singsing lang di niya pa alam.

"Seriously? Di mo alam?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Haist! Yes I know that it's a ring, but what for?" tsaka ko ikinuwento sa kaniya ang pangyayari noong foundation day kung saan ikinasal kami ni Marcus.

"HAHAHAHAHAHAHA" bigla naman siyang tumawa ng malakas pagkatapos kong ikwento ang nangyari.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa pa din siya ng tawa.

"Hoy! Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa doon?" para syang baliw na tawa ng tawa tapos yung mga ibang bisita napapatingin na sa amin.

"HAHAHAHAHA"

"Hoy! Greco! Tumigil ka na nga sa pagtawa dyan. Tinitignan na nila tayo Oh" pagpapatigil ko sa kaniya sa pagtawa.

"HAHAHA r-really? HAHAHAHA you believed it's true? HAhaha" haiyst! Bwisit itong lalaki na ito.

"Sige tumawa ka pa at ibubuhos ko na sayo itong sabaw!" banta ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa pagtawa ngunit maririnig mo pa rin ang impit na tunog dahil pinipigilan niya ang kaniyang pag tawa.

"Sorry to interrupt your moment but can I talk to Louis?" biglang salita ng isang lalaki. It was Papa Arnaldo. Pagkarinig ko kay papa ay agad akong tumayo at humarap sa kaniya.

"Papa, ano po yun?" medyo natatakot padin ako sa kaniya.

Tumigil naman sa paghagikhik si Greco at humarap din kay Papa.

"Yes, Sir Arnaldo. You can talk to your son" pagpapahintulot ni Geco.

"Thank You." At umalis na si Greco upang makapagusap kami ni Papa.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon