Chapter 6: Meet the Montecarlo

3.9K 162 6
                                    


Louis Pov

"Do you want to be a personal assistant of my Four step sons?"





.
.
.
.
.

Assistant?? Ng mga anak niya???

"Ahhh... S-sige po. Ok lang naman sa akin" Yeah, wala namang sigurong masama dun.

"Talaga. Naku salamat ha." Pagpapasalamat saakin ni Mam Jenna.
"Wala po yun. Ako nga dapat po ang magpasalamat sa inyo dahil tinulungan niyo po ako." Mas okay na rin siguro to para malayo ako sa bahay.

"Wag kang mag-alala. May sweldo ka monthly at ako na bahala sa pag-aaral mo." Nagulat ako sa sinabi nito, dahil malaking tulong din ito. Di ko na kelangan pang gastusin ang ipon ko, iipunin ko nalamang. Napaka swerte ko talaga at nakilala ko sila.



"Naku! Maraming salamat po, malaking tulong po ito sa akin." Buong galak kong pagpapasalamat kay Mam Jenna.

"Naku, ako nga dapat magpasalamat sayo dahil pumayag ka. Andami na kasing naging P.A. ng mga yun pero palaging umaalis. Wala nga kaming mahanap na P.A. kasi pag nalaman nilang yung mga anak ko ang babantayan nila ay magbabackout sila."mahabang paliwanag nito. Hala! Wag naman sanang maging masungit sakin ang mga anak ni Mam Jenna. Kelangan ko itong trabaho na ito. Para to sa pag-aaral ko at para ito kinabukasan ko. Gusto kong may mapatunayan sa mga magulang ko na kahit bakla ako ay may maipagmamalaki sa akin. Siguro sa mga panahong yon matatanggap nila ako.

"Ganun po ba? Kakayanin ko po ito kahit anong mangyari. Kelan po ba ako maguumpisa?" Tanong ko dito.

"Maraming salamat. Napakabait mo talagang bata ka. Di bale bukas ka pa naman magsisimula. Ipapahatid kita sa tinutuluyan nilang bahay ngayon. You know, gusto kasi nilang maging independent kaya humiwalay sila ng bahay. Yun narin siguro ang dahilan kung bakit nila pinapaalis ang mga nagiging P. A. nila." Sana talaga magtagal ako dito. Ihahanda ko muna ang sarili ko. Bukas pa naman ito.

"Kung gayon. Tara muna at kumain."

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Gumaan kaagad ang loob ko kay Mam Jenna. Di ko maipaliwanag pero parang matagal ko na syang kilala. Siguro ay dahil sa kabaitan niya kaya naramdaman ko yon. Napaka sarap nilang kausap pati na ang mga kasambahay nila. Tinanong ko rin kung nasaan ang asawa nito, ang sabi niya ay nasa isang business meeting daw ito sa ibang bansa sa makalawa pa daw ito makakauwi.

Nakahiga ngayon ako dito sa kama sa kanilang guest room. Sinabi ko nga na sa room nalang ako nila Nanay Loida pero tumanggi ito. Sabi niya ay bisita daw nila ako kaya sa guest room ako. Ang bait niya talaga.(ilang ulit ko na ba nasabi yung mabait? Hehe)

"Hay,umpisa na bukas ng panibago kong buhay. Kamusta na kaya sila Mama sa bahay. Iniisip kaya nila ako. Sana naman ay marealize ni papa na ganito talaga ako. Sana matanggap niya ako." Pagkausap ko sa aking sarili. At naramdaman ko nalang ang pagdilim ng aking paligid. Nakatulog na ako.

--------
"Good Morning po Mam Jenna." Pagbati ko kay Mam Jenna. Naka ready na ako para lumipat sa bahay ng mga magiging amo ko. Kagabi ko pa naayos ang mga gamit ko.

"Handa ka na ba Louis? Halika ka na." Pagtawag sa akin ni Mam Jenna.

"Opo Mam Jenna. Sige po." At sumakay kami ng sasakyan nito papunta sa bahay ng mga magiging amo ko. Kwentuhan lang kami sa sasakyan. At binilinan ako sa mga dapat kong gawin. Ako ang magluluto, maglilinis at iba pa na gustong ipag-utos ng mga amo ko. Malaki laki nga ang isususweldo sa akin, sa una ay tinanggiha ko ito, ngunit kalaunay napilit din ako ni Mam Jenna.

"Where here." Paghinto namin sa isang bahay mas maliit ito kesa sa bahay nila Mam Jenna na mala mansyon kung titignan pero kung ikukumpara sa ibang bahay ay napakalaki na nito para sa apat na tao na nakatira rito. Pagpasok namin sa loob ay makikita mo ang mga mamahaling mga gamit at mga naggagagandahang mga disenyo ng bahay.

"Halika Louis dun tayo sa sala andon ang mga anak ko." Paganyaya nito at agad naman akong tumalima.

Medyo kinakabahan ako hanmbang naglalakad patungo sa kanilang sala. Pagdating nami'y naroob nakaupo ang mga naggagwapuhang mga kalalakihan. Yung totoo nasa langit na ba ako andaming mga greek goddess ang nasa harapan ko. Binilang ko sila at Tatlo, tatlo silang lalaki at may isang babae. Teka nasaan yubg isang lalaki? Bahala na nga.

"My sons. This is Louis Santos your new P. A." Pagpapakilala sa akin ni Mam Jenna sa kanyang mga anak.

"Oh hi, miss. I'm Ronnie Montecarlo, but you can call me Baby Ron." Sabay hawak nito sa aking kamay at hinalikan. Ang cute din ng lalaking to. Sa tingin ko Playboy tong lalaking to. Ganyan daw kasi yubg kilos nila ehh, sabi ng kaibigan kong si Kim.

"Oops bro. Too quick." Hawi naman ng isang lalaking napaka gwapo kay Ron.

"Hello Miss. I'm Jairus Carl Montecarlo, Ruru nalang." Sabay ngiti nito sa akin. Mabait naman pala sila ehh. Tong isa kaya?


"Hi sa inyong dalawa. Ako pala si Louis, tawagin niyo nalang akong Chuchay. Yan ang tawag sa akin ng mga Friends ko ehh. Tsaka hindi po pala ako Miss. Lalaki po ako preferably Gay." Pagpapaliwanag ko sa kanila. Kita ko naman ang gulat sa kanilang mga mukha.



" Oh my gosh, sa wakas may makakasama nadin ako sa bahay na ito. Hi sissy!! Wahhhh" tili nung babae kanina.

"I'm Patricia Gino Montecarlo, my pretty nickname is Pat. Oh M G. Wag kang mag-alala we are the same, I'm a gay also." Ngayon ako naman ang nagulat sa sinabi nito. Kala ko talaga babae siya.

"Weeehhhm di nga?" Takang tanong ko sa kanya. "Oo nga. Kala ko ngarin babae ka kanina ehh, kala ko tomboy ka kasi naka panglalaki kang damit." Siguro naman di na ako mahihirapan dito. Kala ko talaga masusungit sila pero mukhang hindi naman pala. Kaya pala wala yung isang lalaki kasi si Pat pala yun. Haha.

"Yes, ofcourse. Nice meeting you sissy." Sabay yakap nito sa akin. Kaya niyakap ko narin ito.

Tumingin naman ako sa isang lalaki na nakatingin lang sa akin at... Ansamang tingin niya. O M G. Sakanya ata ako mahihirapan ahh.

"Hi. Louis." Sabay abot ko ng kamay sa masungit na lalaking ito. Tiningnan niya lamang ang kamay ko at ibinaling na niya ang kanyang tingin sa ibang direksyonhe

"Kuya! Don't treat him like that. My G! You're so Grrrrr. " maarteng wika ni Pat sa sa lalaking ito.

"Well, I'm not interested to him." Walang kagana-ganang sabi ng lalaki.

"Tsk. As always" singit naman ni Ruru.

"He is Emerjhon Markus Montecarlo, we call him Markus. I'm the eldest, next is Markus , then Ruru and our youngest little sis is Patricia." Ronnie. Ahh so Markus pala pangalan nito. Ang ganda ng pangalan ang pangit naman ng ugali. Nakurrrr,sa kanya ata sasakit ang ulo ko.

"Since you know each other. I will leave now. Boys, please be nice to him. And I hope he will be the last P. A. I will hire. Ok" sabi ni Mam Jenna.

"Yes Tita-mommy. We will." Sabay na pagbigkas ni Ron at Ruru. Namay kasamang kakaibang ngiti. Ang cute lang nila.

"Shemmmmsss. You two are so Perv. Yes naman Mom, i will treat her like a sister." Sabang ngiti ni Pat kay Mam Jenna.

"Ok. Patricia. Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako. Samahan mo nalang sya sa magiging kwarto niya." Paalam ni mam Jenna.

"Bye po Mam Jenna." Paalam ko dito.

"Bye, louis"

"Chuchay. Let's go na to your room." Aya sa akin ni Pat.

Hayyy. Mukhang maganda namang kasama yung tatlo lalo na kay Pat. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang magpapahirap lang sa akin ay yung Markus. Huhu, nakakatakot sya. Pero kakayanin. Para sa future ko. Sana maging maayos ang buhay ko dito.

---to be continue---

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon