Chapter 5: I'm Free

3.6K 162 0
                                    


  Hi readers. Medyo dumadami na kayo. Yehey!!!! Another update! Sorry kung medyo natagalan, busy kasi si Author daming activities sa school. So enjoy!!!

---------

Louis Pov

      "Lumayas ka dito bakla! Layas! Simula ngayon wala na akong anak na gaya mo!"

   Sigaw nito sa akin at aakmang tadyakan pa ako, ngunit pinigilan na ako ni Mama.

   "Ta-tama na yan hon, wag mong gawin yan sa anak natin!"

Pag-awat ni mama kay papa. Ngunit tila walang narinig si papa at pinagsisipa, pagkatapos ay hinila palabas. Agad niyang kinuha ang mga damit ko't ipinagbabato ito sa akin.

" Hon, wag mong gawin sa anak natin ito"pag pipigil ni mama.

"ISA SYANG MALAKING KAHIHIYAN! NGAYON LUMAYAS KA!" matigas at malakas na sigaw ni papa.

Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko at inilagay sa aking bag.

"Wag mong gawin to sa anak natin Ronald. Alalahin mo anak natin sya." Ang naiiyak na pagsusumamo ni mama.

"No. Today, wala na akong anak na nagngangalang Louis. Tsaka di ko sya tunay na anak!! Ampon lamang siya, kaya wala akong pakielam sa kanya. Pinagbigyan ko ang kaibigan mong kupkupin ang batang yan, ngunit kung bibigyan niya lamang ako ng kahihiyan mas mabuti pang lumayas na sya.!!!"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luhang kanina pa nagbanadyang pumatak. Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabuting anak naman ako. Bakit ba hindi nila ako matanggap? Ano ba ang mali sa pagiging bakla?
"Papa wag po.!"
At unti-unting nagliliwanag ang paligid.

"IHA! IHA! GUMISING KA!"

"PAPA!" sigaw ko. Pagdilat ko nasa isang kwarto ako. Panaginip lang pala.

"Iha, ayos ka lang ba?" Sabi ng isang babaeng nasa edad 60 pataas.
"Na-nasan po ako?" At naramdaman kong kumirot ang aking ulo.

"Natagpuan ka namin sa gilid ng kalsada na nawalan ng malay. Anong bang nangyari sayo?" Pagpapaliwanag nito.

"Salamat po. Pinalayas po kasi ako sa amin, kaya naglakad lakad po ako sa kalsada, nagbabakasakaling may mauupahan akong bahay." Naku salamat sa kanila at tinulungan nila ako.

"Tsk. Tsk. Kawawa ka naman palang bata. Bakit ka naman pinalayas? Wala naman sigurong magulang na papalayasin ang anak, dahil lang sa isang bagay?" Naawa nitong tanong sa akin.

"Ang totoo po niyan ay nalaman po nilang bakla ako kaya nila ako tinakwil. At ... A-ampon lang po nila ako." Medyo maluha luha kong pagpapaliwanag sa kanya.

"HA! ANG AKALA NAMIN BABAE KA!" gulat at takang pagtatanong nito sa akin.

"H-hindi po lalaki po talaga ako." Pagpapaliwanag ko dito. Kita ko naman sa mukha nito ang di pagsang-ayon sa aking sinasabi.

"Weee?? Totoo ba yan? Kung sabagay wala ka namang dibdib?" Huh? Anong dibdib? Meron ahh.
"A-anong pong dibdib? Meron naman po akong dibdib ahh." Pagtatanong ko dito.

"Hahaha. Di mo alam? Napaka inosente mong bata at mukhang mabait ka pa. Di ko man lang maisip na sa simpleng bagay lang kaya ka pinalayas ng mga magulang mo."

"Ganun na nga po. Wala po tayong magagawa."

"Ako nga pala si Nanay Loida, itong bahay na ito ay sa amo ko. Andito ka ngayon sa kwarto namin ng iba ko pang kasamahan. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong nito sa akin.

"Ako po si Louis. Louis Santos" pagpapakilala ko sa kanya.

"Wala ka ba talgang mapupuntahan?" Tanong ni Nanay Loida.

"Wala po talaga ehh." Sagot ko sa kanya. Tsaka gabi narin pala, saan kaya ako hahanap ng mauupahan ngayon.

"Kung ganon dumito ka na lang. Papakiusapan ko na lang si Mam." Naku napakabait taaga ni Nanay Loida. Buti nalang may taong kagaya niya baka ngayon nasa kalsada nalang ako at palaboy-laboy.

"Naku salamat po. Napakabait niyo po talaga." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Halika na at nariyan narin siguro si Mam,matutuwa yon at may bago nanamang kaming kasama dito sa bahay.

----------------

"Nanay Loida. Sino po yang kasama niyo?" Tanong ng isang napaka gandang babae. Siya ay nasa eda 30 pataas.

"Aiy mam. Si Louis po. Nakita po namin siya nila Beth kanina sa daan na nawalan ng malay kaya tinulungan po namin siya." Pagpapakilala ni Nanay Loida sa akin sa kanilang mam.

"Hello po mam...."

"Jenna na lang." Pagputol nito sa aking sasabihin.

"Mam Jenna." Pagpapatuloy ko sa aking sasabihin.

"Ano bang nangyari sayo at bakit ka nahimatay?" At kinuwento ko lahat-lahat ng nangyari.

"Kawawa ka naman pa lang bata. Dito ka na lang kung wala kang mapupuntahan."  Nagalak naman ako sa sinabi ni Mam Jenna. Napakabait niya, mabuti nalang at may mga taong katulad nila Mam Jenna at Nanay Loida. Mabuti nalang at nandiyaan sila, kahit pinalayas ako ng mga magulang ko ay kakayanin ko kasi may mga taong handang dumamay para sa akin. Mabait talaga ang diyos, lahat ng bagay may dahilan. Masama man ang nangyari sa akin ay may mabuti naman itong naidulot,ngayon malaya na akong ipakita kung sino ba talaga ako.

"Naku salamat po. Nakakahiya naman po kung titira ko dito. Pag nakahanap na po ako ng mauupahang apartment at trabaho ay aalis na rin po ako" nakakahiya naman kung makikitira na nga ako ehh makikilamot pa.

"Kaw naman, ok lang sa akin yun. Tutal mabait ka namang bata." Pero nahihiya talaga ako.

"Ganito na lang po mam. Hayaan niyo nalang po akong magtrabaho para sa inyo." Kahit ito man lang ang magawa ko para sa utang na loob ko sa kanila.

"Alam ko na..." At nagliwanag ang mga mata nito't nasilayan ko ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano po yun Mam Jenna?" Takang tanong ko kay Mam Jenna.

"Do you want to be a personal assistant of my Four step sons?"





.
.
.
.
.

Assistant?? Ng mga anak niya???

-----to be continue-----


AN: Ayan na ang turning point ng maganda nating bida. More more characters to come. More awrahan ang parating. At mas lalong gaganda ang ating bida. Abangan.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon