Chapter 20: Pinky Swear

3.4K 110 8
                                    

"Baby andito lang si mama. Shhhh, hush baby don't cry." Pagpapatahan ng isang babae sa kanyang batang anak na iyak ng iyak.

"M-mommy, I-I'm s-cared" pagiyak ng bata. Sila ay tumatakbo sa lobby ng isang barko. Puno ng apoy at makakapal na usok ang paligid dahil sa isang pagsabog na naganap.

"M-mommy, I-I'm tired na po." Dahil sa palaki ng palaking apoy ay binuhat na sya ng kaniyang ina at dali-daling tumakbo papunta sa labasan.

Habang sila'y tumatakbo hindi nila namalayan na may bagay na papabagsak sa kanilang kinaroroonan.

"Ahhhh" sigaw ng babae dahil sya ay nadaganan na nito.

"Mommy!!" Sigaw ng bata. Dahil nabitiwan ito ng kaniyang ina kaya naman di sya nadaganan.

"Anak! Listen to mommy. Ok" nahihirapang pakikipagusap ng babae sa kaniyang anak.

"Yes po." Tango ng bata habang umiiyak.
"You have to run as fast as you can on that door. Now!!!" Sigaw mg kaniyang ina.
"No mommy i will not leave you. I will stay here!" Pagmamaktol ng bata sa kaniyang ina habang umiiyak.

"Listen baby. Mommy loves you and I will always love you baby. You have to go out here, mommy will come after. Baby."pagkukumbinsi ng babae habang sya'y umiiyak.

" Mommy, no mommy we will ho out together." Ngunit hindi parin nagpapatinag ang bata at gusto niyang makasama ang kaniyang ina na makalabas.

"No baby. I swear mommy will come after.I promise."
"Pinky swear?" Saba lahad ng bata ng kaniyang hinliliit sa kaniyang ina.
"Pinky swear." At inabot naman ito ng babae gamit din ang kaniyang hinliliit.
"I will come after. Mommy won't leave you. Now run! Go!" Tumakbo naman ang bata patungo sa labasan. Bago sya lumabas ng pinto ay muli niyang nilingon ang kaniyang ina, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, mas lumaki ang apoy na nagdulot sa mga bagay na nadudoon upang masira at bumagsak. Nasaksihan pa ng batakung paano nabagsakan ang kaniyang ina.

"No!! Mommy." Sigaw ng bata. Muli sana siyang babalik upang puntahan ang kaniyang ina ngunit pinigilan sya ng isang lalaki.

"Let go of me! Mommy! Mommy!" Sigaw ng bata ngunit di pa rin sya binibitawan ng lalaki.

"MOMMMMYYYYY!!!"




. . .




"MOMMY!!"

"Chuchay!! Wake-up! Nanaginip ka." Nalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sa akin ng isang tao.
"Chuchay!!" Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko sa aking harapan ai Patricia.
"Nanaginip ka Chuchay."

"Mommy?! Mommy!"pag-iyak ko. Isa lang palang panaginip. Ang akala ko ay totoo. Hindi ko kayang mawala si mama katulad ng nasa panaginip ko. Bakit ganun? Bakit parang totoo lahat ng iyon?
" shhh, chuchay. It is just a nightmare" pagpapatahan sa akin ni Patricia.

"Ano bang napanaginipan mo?" Tanong niya sa akin. Kinalma ko muna ang aking sarili bago magsalita.

"Napanaginipan ko kasi na may maginang nasa isang nasuaunog na lugar. Nakilagtas yung bata pero yung mommy niya hindi. Bakit ganun Pat? Parang totoo yung nangyari?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa panaginip na iyon mas nakakaiyak pa nga yung mga iba kong napanaginipan noon, katulad ng natalo si Sailor moon sa laban niya, nakuha ni Plankton ang recipe ng krabby patty. Huhuhu, bakit ganun nalang ang naramdaman ko sa panaganip na iyon?

"Wait, baka naman its part of your past? Isn't it?" Tanong sa akin ni Patricia.

"Hindi ko alam Patricia, wala akong malala" malungkot kong sagot sa kaniya. Kaya ko siguro napapanaginipan yun ay dahil nagpapahiwatig ito na kepangan ko ng hanapin an tunay kong mga magulang.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon