Chapter 22: Reunited

2.6K 105 6
                                    

Louis' POV

"K-Kyle"K-Kyle

"CHUCHAY!!!"

"GOYONG!!!" At agad akong tumakbo palapit sa kanya upang yakapin.

"Chuchay ikaw ba talaga yan?" Namamangha niyang tanong sa akin.

"Ako nga ito Goyong." Habang yakap yakap parin ang Best friend ko.

"Na-miss kita Chuchay!" Sabay higpit niya ng yakap.

Na-miss ko 'to. Namiss ko itong lalaking ito. Namiss ko yung mga pinagsamahan namin. Yung mga masasayang araw na magkasama kami. Yung mga araw na ipinagtatanggol niya ako sa mga nangaasar sa akin. Yung mga araw na dinadamayan niya ko tuwing pinapagalitan ako ni papa. Ang bestfriend ko, ang pinakamamahal kong bestfriend.

"Andito ka na ba para bumalik? Babalik ka na ba?" Tanong niya sa akin.
Nginitian ko lang ito.



. . .




"Bes!!!!!!" Aray ko po, ansakit sa tenga ng tili ng baklang ito.

"Aray ko teh, sakit sa tenga" kuda ko naman sa kanya.

"Wow ha! Ang hanash mo teh!.."
Sabay takbo niya papalapit sa akin at saka niya ako niyakap.

"Ate gurl! Di ako makahinga!!" Pagrereklamo ko sa kanya. Juskorrr, di niya naman ako namiss sa lagay na yan ha! Nakakaloka itong Kim na ito!

"Ayy sorry bes, na-miss lang kita ng bonggang-bongga." Pqghingi niya ng tawad.

Andito kami ngayon sa isang restaurant. Inaya kasi ako kanina ni Goyong para makapagusap daw kami ng maayos and to be reunited again!

"Wait! Totoo ba ito?" Sabay pisil niya sa boobs ko.

"Oh my!! Babae ka na ate gurl! Kyahhhh!!" Sabay tili niya.

"Oo ate gurl!" Natatawa kong sagot sa kaniya. Itong katabi ko naman kanina pa nakatitig sa akin. Mukha syang tanga. Di ko nalang sya pinansin.

"Laki na ng pagbabago sayo Matthew ha! Babaeng babae ka na."

"Ate! Don't call me using my second name. Masyadong nakakalalaki!" Kuda ko naman sa kanya.
Nagtawanan nalang kaming dalawa habang itong katabi ko nakatitig parin.

"Hoy! Kyle! Anong problema mo sa mukha ko?" Tanong ko sa kaniya ngunit di ito sumasagot.

"Hoy!" Bulyaw ko sa kanya at dun naman sya natauhan.

"W-what?!" Gulat niyang tanong.

"Sabi ko anong problema sa mukha ko?" Paguulit ko sa kanya ng tanong ko.

"S-sorry. Na-miss lang talaga kita." Ganun ba kapag miss mo ang isang tao? Hmmmm??

"Weeehhhh???!!!" Di pagsang-ayon ni Kim.

"...If I know nahumaling ka lang sa ganda nitong si Chuchay" dugtong niya sa kaniyang sinabi.

"Ahh ehhh.." Ang cute ng Goyong na ito, hahaha namumula yung mukha niya.

"Yiehhhh!!! Kita mo na, kita mo na!" At mas lalo pang namula yung mukha niya.

"Sir, here's you're Sir and Mams" sabi ng waiter sabay lapag ng mga pagkaing inorder namin syempre libre ni Goyong, mayaman yan ehh. Palaging yan ang nanglilibre sa amin noon ni Kim.

Sinimulan na namin kumain, I mean lumamot. Nakakatawa kasi pareho kaming matakaw ni Kim kumain.

"Hahaha, isa pa yan sa namiss ko yang katakawan mo. Hindi parin nagbabago, ikaw nga ang naiisang Chuchay ko." Natatawang sabi ni Kyle.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon