Chapter 15: Cast

3.4K 134 3
                                    

Chapter 15: Prince Charming

Louis POV

"Ok, you may go." Katatapos lang ng last subject namin. Papunta na ako sa Theater Hall ng Montecarlos Academy. Habang naglalakad ay may biglang humablot sa akin. Hila-hila niya lang ako, di ko maaninag ang mukha nito dahil sya ay nakatalikod habang hila-hila ako. Medyo kinakabahan na ako dahil habang palayo kami ng palayo ay pakonti ng pakonti ang tao.

"Bitawan mo nga ako. Bakit mo ba ako hinihila?" Tanong ko sa kanya.

Bigla itong humarap.
"K-kuya?" Nanlaki ang mata ko dahil si Kuya Emilio pala ito. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. Bigla ako nitong niyakap.

"Louis, bumalik ka na. Umuwi ka na sa atin. Miss na miss na kita." Habang yakap yakap ako at lumuluha. Bakit sya umiiyak? Eh dati ang sungit-sungit niya sa akin. Pero di pa ako pwedeng umuwi sa kanila. Tyak galit pa si Papa, tutuparin ko pa yung mga pangarap ko at hahanapin ko pa yung tunay kong mga magulang.

"Sorry Kuya Emilio. Pero hindi pwede." Malungkot na pagkakasabi ko sa kanya.

Humarap ito sa akin at napalitan ang kanyang Emotion na ngayon ay galit na.

"Bakit ayaw mong umalis sa puder ng mga lalaking yun? Sabihin mo nga ang totoo sa akin, MAY GUSTO KA BA SA MGA LALAKING YUN!" Madiin na pagkasabi nito sa akin. Nagulat naman ako sa tanong niya. Wala akong gusto sa kanila,  boss ko sila hanggang doon lang yun. Alam ko ang mga limitasyon ko.

"H-hindi po kuya. Nagtatrabaho po ako sa kanila. Kelangan ko po yun para sa mga kakaylanganin ko sa pangaraw-araw at para na din sa pag-aaral ko kuya." Pagpapaliwanag ko dito.

"Yun lang ba? Pwede ko namang ibigay sayo yun kahit di ka na magtrabaho sa akin. Stay with me yun lang ang gagawin mo." Sabi niya.

"Hindi pwede yan kuya. May utang na loob ako sa pamilya nila. Hindi ako pwedeng umalis nalang." Malungkot kong pagpapaliwanag sa kanya. Sana di na niya ako pilitin. Ayokong maging pabigat sa kanya. Kelangan kong magsumikap.

"Sabihin mo sa akin Louis. Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ka?" Tuloy-tuloy lang ito sa pagiyak. Naawa ako kay Kuya Emilio maski asko ay miss ko na din sya pero kelangan ko talaga itong gawin para may mapatunayan.

”I’m sorry Kuya. Babalik ako kuya pero di muna sa ngayon, marami pa akong bagay na dapat gawin. Pwede naman tayong magkita palagi dito sa school.” Mas mabuti na ito kesa umuwi ako sa kanila, baka mas lalo lang magalit si papa sa akin.

“Ok, kung hindi na kita mapipilit. Sige basta araw-araw tayo magkasama.” Sabi niya.

“oo naman kuya.” At niyakap niya ako ulit. Kumalas na ako sa yakapan namin dahil naalala ko na may rehearsal pala kami ngayon.

“ahh kuya, may pupuntahan pa po ako. May rehearsal po kasi kami para sa Foundation Day.”

“Samahan na kita.” Pagpeprisinta nito.
“Kuya, wag na gagabihin siguro kami ngayon.” Naku baka masyado na akong nakakaabala kay Kuya Emilio.

“Oh edi mas maganda para mabantayan kita, delikado na kapag gabi.” Mapilit talaga itong si kuya,
“ Wag na kuya. Ok lang talaga ako, may mga kasabay naman akong umuwi ehh.”  Sana naman pumayag na siya.

“Ok, basta mag-ingat ka ha. Pag may mga lalaking lalapit sayo lumayo ka kaagad ha.” Pagpapayo niya pa. Ito talagang si kuya napaka over protective, kaya mahal na mahal ko iyan ehh.

“Sige kuya Bye.”

Umalis na ako at baka mas humaba pa ang usapan namin. Ano na ding oras late na ako sa rehearsal.

“Bye Louis!” sigaw niya pa dahil nasa malayo na ako. Dirediretsyo akong naglakad papunta sa Theater Hall. Pagkarating ko doon ay marami ng tao. Kaya naman dumiretsyo na ako sa stage.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon